Bakuna kontra COVID-19, hindi tarpaulin ni Mayor Sara!
- BULGAR

- Feb 22, 2021
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 22, 2021
IMBES NA BAKUNA KONTRA COVID-19, TARPAULIN NI MAYOR SARA AT MGA PASUGALAN ANG LUMAGANAP SA BANSA—Sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ (General Community Quarantine), kabilang sa mahigpit na ipinagbabawal ng Department of Interior and Local Government ay ang mga pampulitikang aktibidad at pasugalan, pero sa Metro Manila, kapuna-puna na sangkaterba ang nakakabit na tarpaulin na may panawagang "Run Sara Run" bilang panawagan kay Mayor Sara Duterte-Carpio na kumandidatong presidente sa 2022 at nagkalat na rin ang operasyon ng iba't ibang uri ng pasugalan.
Hay naku, imbes na madaliin ng Duterte gov't. na makabili ng bakuna para mapalaganap na ang pagbabakuna sa mga Pinoy, eh, ang nakikita ng taumbayan na lumalaganap ngayon ay mga tarpaulin ni Mayor Sara at mga pasugalan, buwisit!
◘◘◘
KAPAG NASA ILALIM NA NG MGCQ ANG METRO MANILA, BAKA LALONG DUMAMI ANG MANRARAKET—Sa jurisdiction ni NPD (Northern Police District) Director, Gen. Nelson Bondoc, ang lakas ng loob magpa-lotteng nina "Jun Moriones," "Edmon" at "Iking" sa Caloocan City; "Mario" at "Atan" sa Malabon City; "Judi" at "Leody" sa Navotas at "Jun" sa Valenzuela City kahit nasa GCQ ang mga lugar na ito.
Ang nakakabahala, baka lalo pang dumami ang mga manraraket sa mga lugar na ito kapag naaprub na ang hirit ng mga alkalde na isailalim sa MGCQ (Modified General Community Quarantine) ang Kalakhang Maynila, boom!
◘◘◘
SA GITNA NG PANDEMYA, HINDI LANG ILEGALISTA ANG DUMAMI, PATI 'TONGPATS' COLLECTOR—Hindi lang ilegalista ang dumami sa gitna ng pandemya, kundi pati ang mga "tongpats" collector ay dumami na rin.
Pakilala ng alyas "Berlin," siya raw ay kolektor ng Camp Crame, pakilala nina "Madam Reyna," "Cesar Pilosopo" at "Ad-Juan" sila daw kolektor ng NCRPO (National Capital Regional Police Office) at pakilala ng isang alyas "Jake," siya raw kolektor ng NPD, mga buwisit!





Comments