top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Bakbakan sa ONE-X mga blockbusters

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 15, 2022
  • 2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | January 15, 2022




Kaabang-abang ang handog na bakbakan at aksyon ng ONE Championships para sa ika-10th anibersaryo nito na ONE-X na katatampukan ng mga blockbuster fights at title bout na nakatakdang ganapin sa Marso 26 sa Singapore Indoor Stadium.


Inanunsiyo ni ONE Championship chairman at CEO Chatri Sityodtong ang grandyosong main card na pangungunahan ng isang special match sa pagitan nina ONE Flyweight Muay Thai World Champion Rodtang “The Iron Man” Jitmuangnon at MMA legend Demetrious “Mighty Mouse” Johnson.


Bahagyang naipagpaliban ang ONE-X nung isang taon dahil pa rin sa COVID-19, kung saan nakatakdang magbubuntalan at magbabalibagan sa isang ‘special-rules, super-fight sina Rodtang at Johnson na hahatiin sa Muay Thai at MMA rule ang tapatan, habang masasaksihan rin ang pagbabalik ni women’s Atomweight champion Angela “Unstoppable” Lee na itataya ang titulo kay ONE Atomweight Grand Prix champion Stamp “Nong Stamp” Fairtex, gayundin ang pagdedepensa ni ONE Flyweight champion Adriano “Mikinho” Moraes kontra kay No.2 ranked Yuya “Little Piranha” Wakamatsu.


Naiusog ang naturang fight card na nakatakda sana nung Disyembre, ngunit dahil sa mga travel restrictions at pagtaas ng mga kaso sa Singapore na umabot sa 3,277 na kaso, pansamantala itong naantala at naiurong.


Bukod sa mga kampeong kabilang dito, ilang mga Filipino MMA fighters ang tinitingnang maaaring maging parte ng naturang malaking event na kinabibilangan nina women’s Atomweight No.1 contender Denice “Lycan Queen” Zamboanga, na sumabak sa kontrobersyal na Grand Prix match kay Seo Hee Ham ng South Korea noong Setyembre sa ONE Empower.


Matunog din ang mga Team Lakay fighters na sina two-time ONE lightweight champ Eduard “Landslide” Folayang, dating ONE bantamweight titlist Kevin “Silencer” Belingon at flyweight ranked Danny “King” Kingad na umaasang muling makakasabak sa world title bouts.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page