top of page

Bakasyon-grande abroad para sa b-day ng labs… MAYOR MARK, INUNA PA RAW SI KATHRYN KESA ANG TRABAHO SA LUCENA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 30
  • 3 min read

Updated: Mar 31

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 30, 2026



Mayor Mark Alcala - FB

Photo: Mayor Mark Alcala - FB



Matinding bashing ang tinatanggap ngayon ni Lucena Mayor Mark Alcala dahil sa kanyang pag-leave ng isang buwan (30 days) daw upang magbakasyon kasama si Kathryn Bernardo. 


Itinaon daw ito ni Mayor Mark para makasama ang aktres sa kanyang 30th birthday sa Bangkok, Thailand.


Marami ang nag-react sa pag-leave na ito ni Mayor Alcala. Mas inuna pa raw niya ang kanyang love life kesa sa obligasyon niya sa kanyang mga constituents. Maraming problema sa Lucena na dapat sana ay maging prayoridad niya kesa sumama sa bakasyon abroad kasama si Kathryn. Kaya marami sa mga taga-Lucena ang dismayado kay Mayor Mark Alcala. 


Well, mas nagiging priority daw ni Mayor Alcala si Kathryn kaysa sa kanyang tungkulin. Sobrang in love kasi siya sa ex-GF ni Daniel Padilla.





After ipalit kay Coco… SERYE NINA KIM AT PAULO, NAUSOG DAHIL KINA RICHARD AT GERALD, KAMPO PUMALAG



Umaapela ang mga KimPau (Kim Chiu at Paulo Avelino) fanatics dahil iniurong ang time slot ng seryeng The Alibi (TA)


Dati, ito ang pambungad na serye ng Kapamilya Network sa prime time slot, dahil hindi pa handa ang serye nina Coco Martin at Julia Montes. Ikinatuwa ito ng mga KimPau fans.


Ngunit biglang pumasok ang serye nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson, ang Blood vs. Duty (BVD), kaya naurong sa second time slot ang TA na pinagbibidahan nina Kim at Paulo. 


Hindi ito katanggap-tanggap sa kampo nila pero wala silang magawa dahil desisyon iyon ng network.


Bukod dito, ang time slot na binakante dati ng Batang Quiapo (BQ) ay bagay sa action series at para talaga kina Richard Gutierrez at Gerald Anderson. 


Ang dapat lang gawin ng KimPau fans ay itodo ang suporta sa The Alibi upang tumaas ang ratings. Ngayon nila dapat patunayan na malakas ang hatak ng love team sa mga televiewers.





ITINANGGI ng mga Kapuso stars na sina Sofia Pablo at Allen Ansay ang kumakalat na balita sa social media na break na raw sila. Papaano raw sila magbe-break kung hindi naman nagkaroon ng seryosong relasyon?


Ang pagiging malapit nila sa isa’t isa ay bahagi ng kanilang pagiging love team. Career move ang pagkakaintindihan nila. Lahat ay kanilang gagawin upang manatiling matatag ang kanilang love team. 


Pakiusap nila sa kanilang mga fans, huwag basta maniwala sa mga tsismis tungkol sa breakup. Magkaibigan sila at nagtutulungan para sa kani-kanilang career. 

Hindi nila sineseryoso ang love life.


Dahil sa krisis sa langis, madalas na sumasabay na lang si Sofia Pablo kay Allen Ansay kapag pumupunta sila sa mga shows at taping.





NAGPAPASALAMAT sa GMA Network ang mga fans ni Mark Herras dahil nakapag-guest ang aktor sa action seryeng Never Say Die (NSD) na pinagbibidahan nina Jillian Ward at David Licauco.


Ipinakita sa teaser ang pagpasok niya sa serye. Wish ng mga tagahanga na mabigyan pa siya ng ibang guestings sa iba pang shows ng GMA-7 at maisama sa cast ng mga upcoming serye ng Kapuso Network.


Marami ang nakisimpatya sa pinagdaraanan ngayon ni Mark at hangad nilang makabangon siyang muli at magkaroon ng direksiyon ang kanyang career alang-alang sa pamilya. 


Sana rin, hindi na siya masangkot sa mga maiskandalong isyu. Lahat naman ay nagkakamali sa desisyon sa buhay, at minsan, nagkakamali dahil sa kagustuhang maka-survive. 


Ang mahalaga, hindi susuko si Mark Herras sa mga pagsubok na kanyang pinagdaanan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page