top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Baka maging pang-gabi na ang sesyon sa Senado ‘pag naging Senate President si P-Digong

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 18, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 18, 2021


BBM, IKINAKAMPANYANG IBOTO SI SARA; TATAY NI SARA, SA KALABAN NAMAN NI BBM NAKASUPORTA—Tuloy na ang tandem na former Sen. Bongbong Marcos for president at Mayor Sara Duterte-Carpio for vice-president, pero ang masaklap ay inindorso naman ni P-Duterte ang tambalang Sen. Bong Go for president at Mayor Sara for VP.


Sa totoo lang, agrabiyado rito si BBM kasi ikinakampanya niya sa mga loyalists ang anak ni P-Duterte, tapos ang ikinakampanya ng pangulo sa mga DDS ay ang kalaban nitong si Sen. Bong Go, boom!

◘◘◘


PARANG NAG-ALAGA NG AHAS SI P-DUTERTE, MISTULAN SIYANG TINUKLAW NI PARLADE—Matagal na panahon din “inalagaan” ni P-Duterte si ret. Gen. Antonio Parlade, Jr. kasi bukod sa ginawa itong commander ng Southern Luzon Command (SolCom), itinalaga pa itong spokesman ng NTF-ELCAC (National Task Force-End Local Communist Armed Conflict). Pero ang masaklap, sa last day ng filing ng candidacy para sa substitution ng mga kandidato ay nag-file for president ang dating heneral at saka binanatan ang pangulo at si Sen. Bong Go, na pinagmistulan nitong inutil ang pangulo dahil sunud-sunuran lang umano sa mga kagustuhan ng senador.


Aba, mistulang nag-alaga ng ahas si P-Duterte na kalauna’y “tinuklaw” din siya, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


KAPAG NAGING SENATE PRESIDENT SI P-DUTERTE, BAKA ANG SESYON SA SENADO AY MAGING PANG-GABI—Kandidato for senator si P-Duterte, at sakaling manalo ay nais ng mga kaalyado niyang senador na siya ang maging Senate President.


Kapag nangyari ‘yan, baka ang sesyon ng mga senador ay sa gabi na gawin at hindi na sa araw kasi kilala ang pangulo na tulog sa araw habang gising naman sa gabi, boom!


◘◘◘


MGA TRAPO, FEELING MAY FAMILY BUSINESS SA GOBYERNO—Hindi lang sa national positions tumatakbo ang mga magkakamag-anak na pulitiko, kundi pati sa national positions.


Hay naku, talagang ginawa ng family business ng mga trapo (traditional politicians) ang mga puwesto sa pamahalaan, pwe!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page