Bait-baitan daw para sa movie… ALDEN, IPINAGTANGGOL SI SHARON, BINANATAN NG FANS
- BULGAR
- Jul 11, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | July 11, 2023

Playing safe raw ba si Alden Richards nang makiusap ito sa netizen na huwag namang maging "harsh" kay Mega Sharon Cuneta?
Dangan kasi ay nabugbog nga ng komento at bashing si Sharon matapos nga nitong magpakilig sa mga AlDub fans noong mag-guest ito sa E.A.T. last July 1.
Pinuna kasi si Mega dahil kahit alam naman daw nitong getting married na si Maine Mendoza ay wagas pa raw makatukso hinggil kay Alden na ngayon nga ay katrabaho niya for a movie.
"Chararat na promo slant," ang naging consensus pa ng karamihan sa naturang gesture ni Sharon.
At bilang other half ng dating famous na AlDub tandem, nakiusap nga si Alden na huwag naman daw maging harsh kay Mega at unawain naman sana ang pagiging AlDub fan nito.
"Unawain naman po sana ang naging sitwasyon," hirit pa ng binata.
Ang siste, kahit si Alden ay tinira rin na nagpe-play safe raw ito.
Nakalimutan nga raw nitong bumati man lang sa naging 8th year ng tandem nila ni Maine, kahit man lang para sa mga umano'y "delusional" fans na kilig na kilig pa rin sa kanila.
"Tigilan mo na kami, Alden. Porke't may movie ka kay Sharon ay nagbabait-baitan ka dahil sayang din siyempre ang mga manonood na AlDub fans ng movie ninyo, if ever man," sigaw ng mga 'harsh' ding netizens sa pakiusap ng aktor.
Aguy!!!





Comments