Bahay ni Sen. Go sa Ayala Alabang, fake news
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
by Info @News | November 6, 2025

Photo: Kiko Pangilinan / FB
'Nakakahiya naman sa tunay na may-ari ng bahay'
Mariing pinabulaanan ni Senator Bong Go ang kumakalat online na may mamahaling bahay umano siya sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa.
“Fake news ang kumakalat sa social media sites na pag-aari niya ang isang bahay malapit sa Alabang Country Club,” ani Go.
Taliwas ito sa naging alegasyon ni dating Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV na may property umano ang senador doon.
Ayon Go, kinumpirma na mismo ng Ayala Alabang Village Association, Inc. at ng isang opisyal ng Barangay Alabang na walang property ang senador sa naturang lugar.
“Kung gustong ipilit na akin 'yan, sige, patunayan ninyo at inyo na 'yan!," ani pa nito.








Comments