Bahay ni ex-Comelec Chair Abas, hinagisan ng granada
- BULGAR

- Aug 16, 2023
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | August 16, 2023

Hinagisan ng granada ang bahay ni dating Commission on Elections Chairman Sheriff Abas sa Cotabato City nitong Martes ng umaga.
Sa inisyal na report ng Cotabato City Police, naganap ang pagsabog pasado alas-7 ng umaga.
Walang nasaktan sa pagsabog subalit nasira ang SUV na nakaparada sa compound ng mga Abas.
Agad namang naglabas ng pahayag ang dating Comelec Chairman na ligtas ito dahil nasa Metro Manila siya at hindi na nakatira sa kanyang dating bahay sa Cotabato City.
Hindi naman kumbinsido ang dating opisyal na siya ang target sa pagpapasabog dahil wala na siya sa serbisyo.
Naging Comelec chairman si Abas simula 2018 hanggang 2022.





Comments