Bahay, idinispley sa vlog, nilait… HIRIT NG NETIZENS: ERICH, TRYING HARD MAG-ENGLISH
- BULGAR

- Aug 19, 2020
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 19, 2020

Sa YouTube Channel ni Erich Gonzales, ipinasilip niya ang kanyang bahay sa mga fans.
Ayon sa actress, nabili niya ang house and lot when she was 22 years old.
Year 2014 nang nag-start ang construction nito at the same year din daw siya lumipat, kaya 6 years na raw siyang nakatira ru'n.
Ani Erich, “Product po ito ng aking hardworks. Kung napapansin n'yo po, simple lang ang house ko. Ayaw ko po kasi ng maraming abubot. Gusto ko, maaliwalas tingnan."
Dagdag pa niya, “Wala rin po akong interior designer. Ako lang po lahat ang may ideas ng nakikita n'yo.”
Hanggang second floor ang house ni Erich, pero ang tanging ipina-tour lang niya ay ang first floor.
Sabi ng mga netizens, “I am not a fan of Erich, but I like her house. It’s cozy, simple yet elegant. Sana may tour din sa 2nd floor.”
“Yayamanin! Style pa lang ng house, makikita mo nang high maintenance pagdating sa cleaning!”
“Ganda ng bahay niya. Gusto ko 'yung ganyan, simple lang.”
“Pang-mayaman, oo, pero ang plain sa loob. Parang furnished house na for rent.”
“Minimalist design po ang tawag d'yan. 'Yun po ang trend design ngayon fyi.”
Pero may isang basher na nakapasok sa comment section at ang sabi, “Sobrang bored ako sa vlog ni Erich. Wala pa 'ko natapos ni isa. Plus super trying hard niya mag-English.”
Ganern?! Nagpasilip na nga ng bahay, nilait pa!





Comments