top of page
WINNER - “GINAWA KO LANG ANG PARTE KO BILANG PILIPINO. MGA G_GO PALA KAYO D’YAN, EH!” - DA

Baha, kaya hanggang bewang... Gamit sa pumping station, ninanakaw — Dizon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 20 hours ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | August 31, 2026



Sec. Vince Dizon - DPWH

Photo: Sec. Vince Dizon - DPWH



Ang pagnanakaw ng mga kable ng pumping station ang itinuturong dahilan kung bakit lumubog sa baha ang ilang bahagi ng Tondo, Manila sa kasagsagan ng malakas na ulan.

Ito ang inihayag ni DPWH Sec. Vince Dizon makaraang inspeksyunin ang ilang pumping station sa Metro Manila matapos ang matinding pag-ulan na nagdulot ng malawakang pagbaha.


Sa Tumana Pumping Station sa Marikina, naging problema aniya ang naipong basura sa automatic trash rake dahil nasipsip ito papasok sa mga bomba, na naging sanhi ng pagkasira ng mga ito.


Ayon kay Dizon, nalampasan ng baha ang kapasidad ng mga pumping system na hindi idinisenyo para sa ganitong tindi ng pagbaha.


Sa inspeksyon niya sa Sunog Apog Pumping Station sa Tondo, hindi ito napaandar dahil umano sa pagnanakaw ng mga kable ng generator at koneksyon sa Meralco.

Sinabi ni Brgy. 183 Chairman Joseph Lipasana na Sabado lamang naiulat ang insidente, kaya nagdulot ito ng pagbaha sa lugar.


Hinala pa ng kalihim, posibleng may "inside job" sa insidente.


Nagbabala si Dizon na makukulong ang sinumang mahuhuling nagnanakaw ng kagamitan ng pumping station.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page