Bagyong Odette, ikatlong landfall na sa Southern Leyte
- BULGAR

- Dec 16, 2021
- 1 min read
ni Lolet Abania | December 16, 2021

Ikatlong landfall na ng Bagyong Odette ngayong Huwebes sa bisinidad ng Liloan, Panaon Island sa Southern Leyte.
Ayon sa state weather bureau na PAGASA, alas-4:50 ng hapon si Odette ay nag-landfall sa ikatlong pagkakataon sa nasabing lalawigan.
Unang iniulat ng PAGASA na inaasahan ang patuloy na pagkilos ng Bagyong Odette west northwestward o westward.
Gayundin, maraming lugar sa Visayas at Mindanao ang isinailalim na sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 4, batay sa 2PM weather bulletin ng PAGASA.




Comments