top of page
Search
BULGAR

Bagyong Gaemi nagdulot ng mudslide sa China, 11 patay

by Eli San Miguel @Overseas | July 28, 2024


Overseas News
Photo: Xinhua News Agency

Namatay ang 11 katao matapos mapuruhan ng mudslide ang isang bahay sa timog-silangang China nitong Linggo, habang malakas na ulan mula sa isang tropical storm ang nagdulot ng pagbaha sa rehiyon, ayon sa state media.


Ito ang kauna-unahang pagkamatay sa China na tila konektado sa Bagyong Gaemi, na nag-landfall noong Huwebes.


Bago pumasok sa China, pinatindi muna ng bagyo ang mga ulang dulot ng habagat sa Pilipinas, na nagresulta sa hindi bababa sa 34 na pagkamatay, at dumaan sa isla ng Taiwan, kung saan umakyat na sa 10 ang bilang ng namatay, ayon sa mga otoridad nitong Sabado ng gabi.


Tumama ang mudslide sa bahay bandang alas-8 ng umaga sa nayon ng Yuelin, na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Hengyang city sa lalawigan ng Hunan, ayon sa mga ulat ng state broadcaster CCTV.


Ipinapakita sa mga ulat na nagdulot sa mudslide ang malakas na ulan na bumuhos mula sa bundok.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page