top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Baguio U, Naka-3 gold sa kickboxing ng ROTC Games

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 23, 2023
  • 1 min read

ni Clyde Mariano @Sports | September 22, 2023



Sinungkit ng University of Baguio ang tatlong ginto at inangkin ng Philippine Merchant Marine Academy ang ginto rin sa kickboxing sa 2023 ROTC Games Luzon leg na ginawa sa Tagaytay Combat Sports Center.


Pinangunahan ni John Christopher Manipon ang gold medal assault ng mga Highlanders na kinatawan ang Army at pinasuko ang walang kalaban-labang si Novem Lozano via referee stop contest sa 1:38 seconds sa first round 57 kilograms.


Binugbog at sinipa ng 20-anyos na second year criminology student si Lozano ng PLT College at itala ang pinakamaigsing panalo sa kickboxing. Binigyan ng referee si Lozano dalawang mandatory eight counts bago itigil ang laban para maiwasan ang masaktan nang husto ang estudyante ng PLT College.


Nag-ensayo si Manipon sa gym na pag-aari ni dating world Mixed Martial Arts champion at Sanda Wushu Southeast Asian Games gold medalist Eduard Folayang na kamakailan ay lumaban sa MMA ginawa sa City of Dreams.


Sinabi ni Manipon na hindi niya akalaing makukuha niya ang ginto sa maigsing laban ayon sa kanya ngayon niya lang nakalaban at hindi alam ang fighting style ni Lozano.


Pinasuko ni Manipon si Paul Bala-ey sa semifinals bago talunin si Lozano sa winner-take-all finals. “Hindi ko akalain manalo dahil ngayon ko lang siya nakalaban si Lozano. Maagang birthday gift sa akin,” sabi ni Manipon na magdiriwang ng kanyang 21st birthday sa November 28 matapos itaas ang kanyang kamay ng referee.


Sinabi ni Manipon na ang nag-inspire sa kanya na maglaro ng kickboxing ang kanyang kapatid at Folayang. Ang panalo ni Manipon ang nagpataas sa morale at fighting spirit ng kanyang mga kasamahan na sina Bety Mae K. Churping at Dominic Boligan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page