Baguio City, mahigpit sa turista, maluwag sa illegal gambling
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 2, 2022
"PORK BARREL" BA NG MGA BUWAYANG KONGRESISTA ANG P588-B 'UNPROGRAMMED FUNDS' NA INAPRUB NG DBM?—Kinuwestyon ni Batangas Rep. Ralph Recto ang Department of Budget tungkol sa higit P588 bilyon "unprogrammed funds" na nakapaloob sa P5.268 trilyong national budget para sa 2023.
Kapag sinabing "unprogrammed funds", ibig sabihin ay walang detalye kung saan gagastusin o gagamitin at kung kanino mapupunta ang perang 'yan ng bayan.
Hindi kaya ang P588-B na kinukuwestyon ni Recto ay "pork barrel" ng mga buwayang kasamahan niya sa Kongreso?
◘◘◘
HINDI LANG SA OVERPRICING NG FACE MASK, FACE SHIELD AT LAPTOPS, SUMABIT ANG PS-DBM, KUNDI PATI SA INVESTMENT—Pinababalik ng Commission on Audit (COA) sa kaban ng bayan o National Treasury ang nabuking nilang P3-B na in-invest ng PS-DBM (Procurement Service-Department of Budget) sa Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP).
Ayon sa COA, hindi mandato ng PS-DBM na ang pera ng bayan ay i-invest sa mga bangko.
Mabuti na lang may COA, kaya nasilip 'yan.
Alam n'yo naman ang kinasasangkutan ngayon ng PS-DBM, pulos scam—scam sa overprice na face mask at face shield at scam sa overprice na laptop, kung nagkataong hindi nabuking ng COA ang pag-i-invest ng PS-DBM sa mga bangko, baka kalauna'y ang pera ng bayan ay napunta na sa bulsa ng mga buwaya sa PS-DBM!
◘◘◘
MAYOR MAGALONG, SP AT COL. LONOGAN, 'NGANGA' SA ILLEGAL NA MINI-CASINO NI 'PATRICK' SA BAGUIO CITY—Ang operasyon ng mini-casino ni alyas Patrick sa Legarda-Dampa, Baguio City ay ilegal dahil wala itong permit mula sa PAGCOR at GAB (Games and Amusement Board).
Ibig sabihin, kapag ilegal ay hindi nagbabayad ng buwis sa national at local governments.
Ang nakapagtataka, sa kabila na ito ay illegal ay walang ginagawang aksyon sina Mayor Benjamin Magalong, ang Sangguniang-Panlungsod (SP) at maging si Baguio City chief of police Glenn Lonogan para ipa-stop ang raket ni "Patrick" sa lungsod!
◘◘◘
LGUs NG BAGUIO CITY, SOBRANG HIGPIT SA MGA TURISTA PERO ANG MALUWAG SA MGA SUGAROL NG MINI-CASINO—Hanggang ngayon ay mahigpit pa rin na ipinatutupad ng Baguio City local government ang health protocols sa pagpasok ng mga turista sa lungsod, kung saan kailangan ang Baguio Visita QR-coded Tourist Pass, valid ID-government-issued, vaccination certificate or card, proof of accommodation at triage upon arrival.
Ganyan kahigpit sa turista ang Baguio City LGUs, pero sa mga sugarol na pumapasok sa ilegal na mini-casino ni "Patrick" sa lungsod ang luwag naman.





Comments