top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bagong 'trip' sa bar, pigilan!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 15, 2023
1 min read

@Editorial | May 15, 2023


Isang bar ang sinalakay ng mga awtoridad dahil sa pagbebenta ng mga lobong naglalaman ng nitrous oxide, na nagbibigay ng panandalian ngunit mapanganib na ‘high’.


Ang nasabing ‘tama’ ay delikado sa utak at maaaring humantong sa pagkamatay.


Kaugnay nito, 16 Vietnamese na nag-o-operate umano ng bar ang inaresto.


Nakita sa bar area ang ilang gamit na lobo, na ayon sa mga awtoridad ay naglalaman ng volatile o mapanganib na nitrous oxide.


Masasabing bagong pagkakakitaan ito na lubhang mapanganib, kaya dapat na mapigilan bago pa kumalat.


Napag-alaman na ang nitrous oxide ay dapat sa mga medical facility lang at hindi sa bar.


Kapag nasobrahan ang gamit nito, naaapektuhan ang utak at may tendency pa na mamatay.


Ibang klase talaga, lahat na lang ng puwedeng pagkakitaan ay pinapasok kahit pa masama.


Kaya dapat na maging mas aktibo ang mga awtoridad para mahuli at mapigilan ang mga ganitong gawain.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page