top of page
Search
  • BULGAR

Bagong tax, dagdag-kita sa gobyerno, piyesta ang mga trapo

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | August 19, 2023


MGA BAGONG TAX NA IPAPATAW NEXT YEAR, DAGDAG-DUSA SA MAMAMAYAN -- Sa budget hearing sa Senado, kinumpirma ni Sec. Benjamin Diokno ng Dept. of Finance (DOF) na may mga bagong tax na ipapataw ang Marcos administration next year.


Kumbaga, parang ibinida na rin ni Sec. Diokno na may ipapataw ang Marcos admin ng dagdag-dusa sa sambayanang Pinoy sa year 2024, boom!


◘◘◘


DAHIL SA BAGONG DAGDAG-TAX SA MAMAMAYAN, FIESTA NA NAMAN ANG MGA TRAPO -- Ibinida pa ni Sec. Diokno na sa ipapataw na mga bagong tax sa mamamayan, ay makakalikom daw dito ang Marcos admin ng higit P120.5 billion.


Dahil d’yan, tiyak fiesta na naman ang mga trapo (traditional politician) kasi sa kikitain ng gobyerno na P120.5-B, tiyak madadagdagan na naman ang kanilang confidential funds at pork barrel funds, mga buset!


◘◘◘


TALO ANG MAMAMAYAN SA MAGKAKA-ALYADONG TRAPO SA MALACAÑANG, SENADO AT KAMARA -- Talung-talo ang mamamayan sa mga magkakaalyadong trapo sa Malacañang, Senado at Kamara.


Mantakin n’yo, gumawa ng batas ang mga pro-Marcos-Duterte senators at congressmen ng “estate tax amnesty law” na ibig sabihin ay pinapayagan ang mga tax evader na tatlong taon silang hindi sisingilin sa utang nilang estate tax, tapos next year magpapataw nang pahirap na bagong tax sa mamamayan ang gobyerno, mga pwe!

◘◘◘


MGA TRAPO MAGPAPALAKIHAN NA NG GASTOS SA ELEKSYON -- Ibinida rin ni Speaker Martin Romualdez na aprubado na raw sa ikatlo at huling pagbasa ang pagtataas sa laki ng gastusin ng mga kandidato sa national, local at barangay elections.


Hay naku, imbes na ang ibida sa publiko ay gumawa sila ng batas sa Kongreso para mapababa ang presyo ng mga bilihin at bayarin, eh ang ginawang batas ay magpapalakihan na ng gastos ang mga trapo sa halalan, mga buset!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page