top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bagong Taon na, mga pasaway na pulis, magbago na kayo!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 13, 2024
  • 1 min read

@Editorial | Enero 13, 2024


Halos isang libong pulis ang sinibak sa serbisyo simula noong Hulyo 2022 hanggang ngayong Enero 2024.


Ito ay dahil sa iba’t ibang kaso na kanilang kinasangkutan.


Sa tala ng Philippine National Police (PNP), 108 ang sangkot sa ilegal na droga. Kabilang dito ang isang commissioned officer, 60 police non-commissioned officer at 5 non-uniformed personnel.


Bukod sa natanggal sa serbisyo, 230 naman ang napatawan ng demotion, at 10 rito ang sangkot sa droga. 


Aabot naman sa 1,701 ang nasuspinde, kung saan 60 ang sangkot sa droga.


Nasa 134 naman ang tinanggalan ng sahod, 694 ang pinagsabihan, at 79 ang na-restrict.


Habang 109 ang natanggalan ng benepisyo kung saan walo ay sangkot din sa droga.


Sa kabila naman ng bilang ng mga pulis na sangkot sa ilegal na droga, iginiit ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. na hindi ito nakakaalarma dahil maliit lang na porsyento ito sa buong police force at agad nilang inaaksyunan ang ganitong kaso.


Umaasa tayo na hangga’t may isang bulok sa hanay ng kapulisan, hindi dapat tumigil ang gobyerno sa paglaban. Tuloy lang sa internal cleansing.


Gayundin, mas paigtingin ang illegal drugs campaign at iba pang police operations.


Huwag nating hayaang bumaha ang droga at ang mga inaasahang huwaran ay sila pa ang pasimuno sa pagpapasaway.


Kaya sa mga mamang pulis na sakit sa ulo, bagong taon na, magbago na kayo!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page