Bagong taon, bagong bahay para sa mahihirap
- BULGAR
- Jan 3, 2023
- 1 min read
@Editorial | Enero 3, 2023
Isa sa mga pangunahing pangarap ng pamilya ay ang magkaroon ng sarili at maayos na bahay.
Gayunman, sa hirap ng buhay parang mananatili na lamang umano itong pangarap.
Kaya napakalaking katuparan sana kung magpapatuloy ang programa sa pabahay ng gobyerno.
Lalo na't nasimulan na ang inaasahang mahigit anim na milyong pabahay hanggang sa taong 2028.
Sa pagbanggit sa year-end report ng administrasyon, sinabi na ang programa ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na Pambansang Pabahay para sa Pilipino, na naglalayong tugunan ang backlog ng pabahay sa bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng disente at sustainable na mga bahay ay nakikita na makikinabang ang nasa 30 milyong Pilipino.
Ang DHSUD ay pumirma ng mga memorandum ng pagkakaunawaan kasama ang 47 local government units para tumulong sa paggawa sa housing initiative.
Inaasahan ding maglalabas ng executive order sa pagpapatupad ng batas na nag-uutos sa mga ahensya ng gobyerno na “magsama-samang tukuyin ang mga idle state lands na angkop para sa pabahay at rural development.
Maaaring isipin ng iba na 'ambitious target' ang isang milyong pabahay kada taon pero kung pursigido ang gobyerno, hindi ito imposible.



Comments