top of page
Kim Chiu at Lauren Dyogi - KimPau Fanatics page.jpg

Bagong serye ni Ruru, maghahari raw… DENNIS, SINOPLA NG KAMPO NI COCO

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | September 25, 2026



Dennis Trillo at Coco Martin - Instagram

Photo: Dennis Trillo at Coco Martin sa Sigabo - Instagram



Na-trigger na naman ang mga haters ni Dennis Trillo sa post nitong: “‘Di pa USO ang AI (artificial intelligence) sa Tondo!!!” na ang tinutukoy ay ang taping niya sa seryeng Hari ng Tondo.


Proud lang siguro ang aktor na walang ginagamit na AI sa taping nila, pero hindi nagustuhan ng mga fans ni Coco Martin at mga viewers ng Sigabo.


May nag-akusa kay Dennis na nagpaparinig at gaya-gaya siya at ang GMA sa ABS-CBN. May nagpaalala sa aktor na tapos na ang network war, ibinabalik na naman niya, kaya nag-aaway-away ang mga fans. 


May nagsabi pa na hindi magiging successful ang airing ng series nina Dennis at Ruru Madrid.


Marami rin ang nagtanggol kay Dennis. 

Sey ng mga netizens:


“Mga OA, walang masama sa caption pero uso talaga ang AI. Nakalimutan ko na nga ang Netflix kakapanood ng free AI shows.” 


“Wala namang masama sa caption. Sadyang big deal ba sa ABS-CBN ‘tong post? Totoo naman ang sinabi ni Dennis,” na sinagot ni Dennis ng “‘Di ba?”


Lalo pang nanggigil kay Dennis ang kanyang mga haters dahil nang may magtanong kung ano ang title ng movie, sagot ng aktor, “HARI NG TONDO, maghahari sa primetime... malapit na.” 


May nag-comment agad na nakakasiguro ba si Dennis na maghahari talaga sa primetime ang series?


Samantala, tapos na ang shooting ni Dennis ng Amir, ang entry ng GMA Pictures, GMA Public Affairs at Brightburn sa 2026 Metro Manila Film Festival (MMFF). 

Post ng aktor, “It’s a wrap! Excited na akong mapanood n’yo ‘to.”





NAGULAT at natakot ang mga nakabasa sa post ng TV5 patungkol sa karakter ni Ai Ai delas Alas sa TV drama series na My Bespren Emman (MBE). Para kasing obituary ang istilo ng promo at black and white pa ang pubmat na inilabas.

Sey sa post, “Hanggang sa muli, Sister Rebecca.


“Hanggang huli, ipinamalas ni Sister Becca ang kanyang walang-sawang pagmamahal at sakripisyo para sa Team. Rest in peace na po kasama si Miriam sa piling ng ating Bro. Emman, Sister.


“Subaybayan na ang LAST TWO WEEKS ng My Bespren Emman, ang Huling Laban, Mondays to Fridays, 2:30 PM after Eat… Bulaga! (EB!) sa Hapon Champion ng TV5 on air, at sa TV5 Kapatid Livestream on YouTube (YT)!”


Solid ang reaction ng mga nakabasa sa announcement. 

Sey ng mga netizens (as is):


“‘Langya na ‘yan, akala ko kung ano na.” 

“Daming nagulat.” 

“Napabasa agad ng caption, eh. Hahaha!” 

“Buset! Nagulat ako.” 

“Kinabahan ako nang konti.” 

“Akala ko, totoong buhay na.” 

“Kinabahan naman ako, jusmio!”


Actually, nauuso ang ganitong istilo ng promo announcement na parang obituary at ginagamit na rin in birthday greetings.





STREAMING na sa VMX (Vivamax app) ang Isla na pinagbibidahan ng sexy star na si Margaret Diaz.


Malalaman mong sexy talaga ang movie dahil sa mediacon pa lang, rumampa ang aktres suot ang sexy outfit. 


Mahaba na ang slit ng suot, hinawi pa para ipakita ang underwear niya, bagay na nagpasaya sa press.


Sabi ni Margaret, lahat ng mga eksenang ipinagawa sa kanya ni Director Rodante Pajemna, Jr., ginawa niya nang walang reklamo dahil naniniwala siyang para iyon sa ikagaganda ng movie. 


“Para rin ‘di na maulit pa ang take at matapos agad ang shooting,” wika nito.

Sa isang dagat sa Batangas ginawa ang shooting ng movie, kaya hindi lang ang kaseksihan nina Margaret, Shannon Sizon at Yda Manzano ang mapapanood. Pati ang ganda ng location ay mapapansin ng mga makakapanood sa Isla.


Nasa cast din sina Mark Anthony Fernandez, Mark Dionisio, at Marco Mora. Nakakapanibago ang mala-kontrabida role ni Mark Anthony dito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page