top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bagong PNP chief na naging kontrobersiyal, mas lalo raw babantayan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 10, 2020
  • 1 min read

@Editorial | November 10, 2020


Kinumpirma ng Malacañang ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay NCRPO Chief Debold Sinas, bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP), kapalit ni Gen. Camilo Cascolan na nakatakdang magretiro ngayong araw.


Ang pamumuno ni Major Gen. Sinas ay hanggang Mayo 2021.


Napag-alamang kung seniority ang susundin o ang rule of succession, si PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang number two man ng PNP.


Samantala, hindi pa naman nasabi kung ano’ng mga kuwalipikasyon ang pinagbatayan ni Pangulong Duterte sa pagtatalaga kay Sinas bilang bagong PNP chief.


Matatandaang naging kontrobersiyal si Sinas sa kanyang mañanita noong kanyang kaarawan habang ipinaiiral ang lockdown kaugnay sa COVID-19 pandemic.


Sa kabila ng umano’y paglabag sa quarantine protocols, idinepensa naman ni Pangulong Duterte si Sinas. Hanggang sa ito nga ay itinalaga naman bilang pinuno ng kapulisan.


Kaugnay nito, ang pakiusap ng publiko sa bagong hepe ay ang maging mabuting huwaran ito hindi lang sa kanilang kanilang hanay kundi sa mamamayan.


Marami pa rin ang hindi makalimutan ang naging eksena sa pagsalubong ng kaarawan ng opisyal. Ang inaasahang tagapagpatupad ng batas ay sila pa ang lumalabag.


Kaya may mga kritiko na nagbabala na mas lalo raw babantayan ang mga kilos nito bilang pinuno ng PNP.


‘Ika nga, ang magaling na lider ay makatuwiran at mataas ang moralidad. Totoo kung maglingkod, mabuting huwaran at higit sa lahat, may takot sa Diyos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page