top of page
Search
  • BULGAR

“Bagong Pilipinas” wa’ ‘wenta kung palpak pa rin ang serbisyo

@Editorial | July 17, 2023


“Bagong Pilipinas”. Ito ang bagong tanda ng brand of governance ng administrasyong Marcos para umano isulong ang plano sa paglago ng ekonomiya ng bansa.


Inilunsad ni Pangulong Bongbong Marcos ang kampanya na “Bagong Pilipinas” sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 24 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.


Kaugnay nito, ang logo ng “Bagong Pilipinas” ay ilalagay sa bawat website, sulat at iba pang asset ng mga government agency. Tanong tuloy ng mga netizens, magkano na naman kaya ang ginastos sa logo na ‘yan?


Wala namang masama sa rebranding dahil bahagi ‘yan ng pagbabago, pero mas marami pang bagay na higit na mahalaga na dapat sana ay inuuna.


Aanhin ang bagong tatak kung palpak pa rin ang serbisyo? Isa pang tanong, paano magiging “Bagong Pilipinas” kung lumang mukha at sablay pa rin ang mga ipinuwesto?


Awat muna sa branding, good governance muna tayo. Hayaan nating maramdaman at magkusa ang taumbayan na sabihing, “may pagbabago”. Tipong maayos na ang paliparan, nabawasan na ang trapik, bumaba na ang krimen at maganda na ang kabuhayan.


Sa huli, wala namang ibang pasasalamatan ang publiko kundi ang gobyernong nanguna para maging maayos ang bayan.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page