top of page

Bagong ka-date, ine-enjoy daw… CARLA, UMAMING GAME NA MAGPAKASAL ULI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 19 hours ago
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 28, 2025



YouTube GMA Network (FTWBA)

Photo: GMA Network (FTWBA)



Inamin ni Carla Abellana na naghilom na ang kanyang puso matapos ang hiwalayan nila ng ex-husband na si Tom Rodriguez noong 2022.


Ayon sa aktres sa kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) last Thursday, marami ring bagay na nakatulong sa kanyang pag-heal.


“I wouldn’t say naman po na it was just time that healed me. Madami pong effort, madaming trabaho, tinrabaho para mag-heal,” aniya.


Natanong din si Carla kung AFAM (a foreigner assigned in Manila) ba ang mystery guy na kanyang idine-date ngayon at natatawa niyang sagot, “No, hindi po s’ya AFAM.”

Aminado naman siyang nakipag-date siya sa guy na ipinost pa niya sa kanyang Instagram (IG).


“It was a date. Yes, I’ve been actually seeing him. Kita n’yo naman, nakaka-dalawang posts na po ako, ‘di ba? Parang may pagka-soft launch po,” sey niya.


Pagbabahagi pa niya, “Pero matagal ko na po ‘yan s’yang kilala. So, na-mention ko naman po that I’ve been open to dating and I have been dating. So ine-enjoy ko lang s’ya, Tito Boy.”

Sa past interview kay Carla ng King of Talk ay nabanggit ng aktres na ayaw na niyang magpakasal, pero ngayon ay ayaw na raw niyang isara ang kanyang isip tungkol sa marriage.


“Ayoko na pong maging close ‘yung aking pag-iisip na ganu’n. Of course, I want to be open naman po into, you know, open to enjoying myself and you know, falling in love or being in a relationship,” saad niya.


Sino kaya ang mystery guy niya?




GALIT na galit pa rin si Bianca Gonzalez sa “nakawan” na nangyari sa flood control projects at talagang bumoboses siya sa pagbatikos dito sa pamamagitan ng kanyang social media platforms.


Sa kanyang X (dating Twitter) account ay pinuna ni Bianca ang pagbibigay ng donasyon ng mga tao sa mga nasalanta ng kalamidad na dapat ay gobyerno ang gumagawa.


Para kay Bianca, habang ang ibang may mabubuting loob ay nagbibigay ng tulong sa kapwa, ang mga nasa puwesto naman ay kinukurakot ang pera sa buwis na makakatulong sana sa ating mga kababayan.


“Nakakagalit isipin na ‘pag may matinding sakuna, dali-dali tayong nagdo-donate ng relief goods, bigay sa fundraising ng kahit konti, volunteer mag-repack... samantalang may milyun-milyon at bilyun-bilyong perang kinurakot mula sa buwis natin na makakatulong sana sa mga nasalantang kababayan,” tweet ng TV host.


Sey pa niya, “‘Ika nga ng placard sa rally, ‘Resilient mo mukha mo.’”

Isa si Bianca sa libu-libong tao na sumama sa anti-corruption rally sa People’s Power Monument sa EDSA last Sunday kasama ang kanyang asawang si JC Intal at dalawang anak.


Noon pa ay isa rin siya sa mga celebrities na very vocal at talagang ginagamit ang kanyang social media platform para kalampagin at tuligsain ang mga nakikitang maling gawain hindi lang sa gobyerno kundi sa iba pang mga nagaganap sa bansa.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page