ni Angela Fernando - Trainee @News | November 9, 2023
Isang bagong isla ang lumitaw matapos pumutok ang bulkan sa ilalim ng dagat at natagpuan ito malapit sa baybayin ng Japan sa may Iwo Jima sa karagatang Pasipiko.
Matatagpuan ang sinasabing isla 750 milya sa timog ng Japan at isang kilometro mula sa Iwo Jima.
Ayon kay Setsuya Nakada, isang professor emeritus ng bulkanolohiya sa University of Tokyo, ang magma ay naipon sa ilalim ng tubig sa loob ng ilang panahon bago tuluyang umibabaw.
Samantala, nakuhanan ang pag-usbong nito mula sa karagatan ng Maritime Self-Defense Force nu'ng Nobyembre 1.
Comentarios