top of page
BIDA - XIAN, NIRESBAKAN ANG MGA NAGTATANGGOL KAY ALDEN_FB Xian Gaza & IG _aldenrichards02.
Search

by BRT @News | October 9, 2026



Apat na astronaut, nakabalik na sa Earth mula sa ISS

Photo: NASA



Ligtas nang nakabalik sa Earth ang apat na astronaut matapos ang ilang buwang pananatili sa International Space Station (ISS).


Sakay ng kapsula ng SpaceX, lumapag sila sa karagatan sa Pacific Ocean malapit sa Los Angeles nitong Huwebes.


Kabilang sa mga umuwi sina Jessica Meir at Jack Hathaway ng NASA, Sophie Adenot ng France at Andrey Fedyaev ng Russia. Umabot sa 237 araw ang pananatili ni Adenot sa kalawakan, na naging rekord para sa European Space Agency.


Pumunta sila sa ISS noong Pebrero upang palitan ang apat na astronaut na napaagang umuwi matapos magkasakit ang isa sa kanila.


Matapos makalapag, agad silang sinalubong ng recovery team at inihanda para sa pagbalik sa Houston upang muling makapiling ang kanilang mga pamilya.

 
 

by BRO @Overseas | September 30, 2026



Isdang mukhang piranha - Photo JEJAK AIR TAWAR-FACEBOOK

Photo: Ang isdang hawig ng piranha sa Malaysia - Jejak Air Tawar / FB



Nagkagulo sa social media sa Malaysia matapos makahuli ng isdang kahawig ng piranha sa Klau Dam sa Pahang.


Unang nahuli ang isda noong Agosto 26 at muling may naiulat na nahuling katulad nito noong Setyembre 18. Dahil dito, nabahala ang ilang residente sa posibilidad na dumami ang mga ito at kumalat sa mga ilog.


Pero nilinaw ng Department of Fisheries Malaysia na hindi pa kumpirmadong piranha ang mga nahuling isda. Wala rin kasing pisikal na specimen na maaaring suriin, kaya larawan at video lamang ang hawak ng mga awtoridad.


Ipinadala na ang mga larawan at video sa Fisheries Research Institute para sa pagsusuri. Plano rin ng mga awtoridad na kumuha ng environmental DNA o eDNA sa tubig para matukoy kung may bakas ng piranha.


Ayon sa mga eksperto, mas malaking banta ang posibleng epekto nito sa mga katutubong isda kaysa pag-atake sa tao.

 
 

by Info @Gulat Ka 'No?! | February 6, 2026



Guinness Book of World Records Father with different languages


Kaya n’yo rin kayang ipagsigawan sa buong mundo kung gaano kahalaga inyo ang isang tao?


Sa araw-araw na kasama ninyo ang inyong mahal sa buhay, mga Ka-BULGAR, kailan ang huling beses n’yo silang sinabihan na mahalaga sila sa inyo at mahal n’yo sila?


Sapat na kaya ang araw-araw na pagsasabi ng “Mahal kita”? Kaya n’yo rin kaya ang ginawa ng isang tatay, na lumikha ng kanta upang masabi sa kanyang anak ang salitang “I love you” sa iba’t ibang wika?


Merong humigit-kumulang 521 na magkakaibang wika ang napagsalinan nitong kanta. Ang numerong 521 ay hindi lamang nagkataon, kundi ito ay hango sa kaarawan ng kanyang anak na ipinanganak noong Mayo 21.


Si Philip ay may kakayahang magsalita at makaintindi ng Danish, English, at Arabic, at merong kaunting kaalaman sa Hebrew, French, at Chinese. Sa tulong ng kanyang sariling kagamitan, nagawa niyang mai-translate ang kanyang ginawang kanta sa lahat ng wikang ito.


Si Philip Halloun, na kasalukuyang nasa Denmark, ay isang musician na nakapagsulat ng kanta at bumuwag sa Guinness World Record bilang may pinakamaraming pagsasalin ng isang kanta sa iba’t ibang wika sa buong mundo.


Nalampasan niya ang dating world record na may 398 na pagsasalin sa iba’t ibang wika ng isang kanta, na hawak ni Sunnet Haran mula India.


Sa loob ng 20 taon sa propesyon ng paglikha ng mga kanta sa iba’t ibang wika, marami na ang na-inspire ni Philip—hindi lamang ang kanyang pamilya kundi pati na rin ang buong mundo.


Bagama’t sanay na siya sa paggawa ng kanta, hindi naging hadlang ang iba pang gawain at ang sabay-sabay na pag-aalaga sa kanyang mga anak para makagawa ng isang hindi malilimutang regalo sa kanyang anak.


Isa sa pinakamahirap para sa kanya sa paggawa ng kantang ito ay ang tamang pagpo-pronounce ng bawat salita. Ito rin ang paraan upang maipakita ang respeto sa bawat wika na kanyang sinasambit.


Bukod sa kanyang anak na si William, ginawa ni Philip ang kantang ‘I love you’ upang marinig at matanggap ito ng mga taong talagang nangangailangan ng salitang “I love you.”


Nakakatuwang malaman na sa panahon ngayon na karamihan sa balita ay puro krimen, korupsyon, kahirapan, at isyung pangkalusugan, may mga tao pa rin na pinapalaganap ang pagmamahal at malasakit sa kapwa.


Isa si Philip sa nagpapatunay na ang pagmamahal ay hindi nasusukat sa dami o halaga ng iyong ibinibigay. Kahit sa pinakamaliit na bagay, o kahit isang salitang “I love you,” makakapagbigay ka ng hindi matatawarang halaga sa iba.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page