top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Bagong EDCA sites sa Cagayan, Isabela, Palawan

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 4, 2023
1 min read

ni Mylene Alfonso | April 4, 2023




Inanunsyo na ng Malacañang ang apat na karagdagang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites.


Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), siniyasat at nasuri ng Armed Forces of the Philippines ang mga nabanggit na lokasyon kabilang dito ang Naval Base Camilo Osias na matatagpuan sa Sta. Ana, Cagayan, Lal-lo Airport na nasa Lal-lo, Cagayan, Camp Melchor Dela Cruz na nasa Gamu, Isabela at Balabac Island sa Palawan.


Ayon kay PCO Secretary Cheloy Garafil, palalakasin nito ang pagtugon sa kalamidad ng bansa dahil inaasahan ding gagamitin ang karagdagang lokasyon para sa humanitarian at relief operations sa panahon ng emergency at natural disasters.


Nauna nang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na layunin nitong madepensahan ang Silangang bahagi ng bansa.


Nabatid na nakatakdang magsagawa ng mga tropang Pilipino at Amerikano ng kanilang pinakamalaking military exercise ngayong Abril.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page