Bagong cong. ng Cavite 4th District... Jenny Barzaga, palit sa anak na si Kiko
- BULGAR

- 20 hours ago
- 1 min read
by Janice Baricuatro @News | August 31, 2026

Photo: Mayor. Jenny Austria-Barzaga - FB
Pormal nang naiproklama si Dasmariñas City Mayor Jennifer “Jenny” Barzaga bilang bagong kinatawan ng 4th District ng Cavite matapos manalo sa Special Election nitong Sabado.
Nakakuha si Barzaga ng 201,893 boto, kapalit ng nabakanteng puwesto ng kanyang anak na si dating Cong. Francisco “Kiko” Barzaga, na na-expel ng House of Representatives noong Hunyo.
Samantala, ang anak namang si Elpidio Barzaga III, ang magiging alkalde habang ang pangunahing konsehal naman na si Rudy Lara ang uupong bise alkalde ng lungsod.





Comments