top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Bagong chapter ng buhay nila, sobrang hirap daw… COCO, AMINADONG HULOG NG LANGIT SI JULIA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 17 minutes ago
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 26, 2026



FRANKLY - COCO, AMINADONG HULOG NG LANGIT SI JULIA-IG _cocomartin_ph

Photo: IG _cocomartin_ph



Pinakilig na naman ni Coco Martin ang CocoJules fans nila ni Julia Montes matapos niyang sabihing hulog ng langit sa kanya ang real-life partner at leading lady sa Kapamilya primetime action-drama series na Sigabo.


Sa video interview na inilabas ng CCM Film Productions sa Instagram (IG), mapapanood na tinanong siya kung masasabi ba niyang hulog ng langit para sa kanya ang aktres.

“Sobra-sobra!” sey ng aktor-direktor-producer. 


Aniya, “Kasi alam mo, like kunyari, sa personal na buhay namin ni Jules, napakalaki talaga ng na-improve ko personally sa buhay ko. Napakarami ng naitulong n’ya sa akin lalo na sa growth ko, sa personalidad ko, sa mga pananaw ko sa buhay.”


Proud din niyang ikinuwento na habang tumatagal ay mas lumalalim pa raw ang kanilang pagmamahalan.


“And then, ngayon, natutuwa ako kasi sabi ko nga, medyo matagal na rin kami, almost 15 years, ‘di ba? Pero sabi ko nga, ang ikinaganda pa nu’n, habang tumatagal kami nang tumatagal, mas lalong lumalalim nang lumalalim ‘yung pagmamahalan, ‘yung understanding ng isa’t isa, ‘yung pagrespeto.


“Saka lalo na ngayon na pinasok na namin ‘yung seryosong mundo namin, ‘di lang bilang artista kundi ako, bilang director, creator, writer and producer,” pahayag ni Coco.

Aminado siyang hindi madali ang pinasok nilang bagong chapter sa buhay pero dahil sa pagmamahalan at pagtutulungan nilang dalawa ay nakakaya nilang harapin ang mga challenges.


“Kasi, sa totoo, ‘di s’ya madali, eh. Mahirap, sobrang hirap. Pero ang pinakamasarap lang du’n, mas nararamdaman namin sa isa’t isa ‘yung pagsusuporta at pagtutulungan at pagmamahalan namin.


“Kasi sa ganitong trabaho, sa totoo lang, ‘yung pressure, maaari kaming gumive-up, eh. Gumive-up kami sa trabaho namin o masira ‘yung relasyon namin,” aniya.


“Kaya nga ‘yung sinasabi mo kanina, s’ya ba ‘yung bigay ng langit sa akin? ‘Di naman magiging ganito ang direksiyon ng buhay ko kung ‘di dahil kay Jules, eh.


“Kasi s’ya ‘yung naging daan, s’ya ‘yung naging guide ko,” dagdag pa niya.

Ang tamis naman ng ngiti ni Julia na katabi ni Coco habang sinasabi ito ng aktor.





Anak, naka-30 points lang naman…

LOTLOT, PROUD NA PROUD NA MVP SA ALL-STAR GAMES JUNIOR BASKETBALL DIVISION SI DIEGO



PROUD na proud si Lotlot de Leon sa anak na si Diego Gutierrez na hinirang na Junior Basketball Most Valuable Player (MVP) sa katatapos lang na Star Magic All-Star Games 2026 held at SM Mall of Asia (MOA) Arena in Pasay City last Sunday.


Nanalo ang team ng aktor na Shooting Stars Blue against Shooting Stars Red at itinanghal siyang Most Valuable Player o MVP with a high score of 30 points.


Nanood mismo si Balot ng laro ni Diego kasama ang asawang si Fadi El Soury para suportahan ang anak. 





Makikita sa mga Instagram (IG) posts ng aktres ang pag-cheer niya sa anak habang naglalaro at ang mga pagsigaw niya sa tuwing makaka-score ito.

Ibinahagi rin niya ang video ng pagtanggap ng MVP award ni Diego at super happy siya para sa anak.


Samantala, sa SEAbling Showdown ay tinalo naman ng team ni Gerald Anderson ang GMMTV All Stars ng Thailand sa score na 83-53 at hinirang na MVP ang aktor.

Sa Volleyball Division naman ay si Lella Ford ang nagningning with her MVP and Best Spiker awards. 


Nakamit naman ni Gillian Vicencio ang Best Receiver award habang si Bella Sapienza ang nag-uwi ng Best Setter award.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page