top of page
Search
  • BULGAR

Bagong BF, kaya 'di na maamin in public… JULIA, NA-TRAUMA SA NANGYARI SA KANILA NI BEA

ni Melba R. Llanera - @Insider | August 9, 2020




"Why is everyone asking about my love life? I'm not gonna answer that question again," ang naging pahayag ni Julia Barretto sa nakaraang vlog niya na MUKBANG + Q&A FAIL nang usisain ng ilang netizens tungkol sa kanyang buhay-pag-ibig ngayon.


Nu'ng una ay masayang sinasagot ni Julia ang mga tanong ng mga tagahanga sa pamamagitan ng IG stories tungkol sa kung ano ang paborito niyang lugar na puntahan, paboritong isuot at ano ang pinakagusto niya sa pamumuhay nang solo.


Pero nang matanong si Julia tungkol sa love life niya ay tila sumeryoso ito. Pagkatapos sabihin na 'di niya sasagutin ang tanong ay bigla na lang natapos ang naturang vlog.


Sa teaser na ipinost sa kanyang Instagram, 'di nagpaliwanag si Julia sa nangyari.

Inilarawan niya lang ito bilang pinakamaigsi at pinaka-ramdom vlog na ginawa.

Kung matatandaan, nu'ng nakaraang kaarawan ni Julia last March 10 ay may pahapyaw siyang ipinakilalang bagong nagpapatibok sa puso niya, kung saan tinawag pa niya itong "a loved one" na kasalo ng pamilya sa kanyang selebrasyon.


Sa panayam kay Julia sa radio program na 89.9, hindi direktang inamin ng aktres ang pagkakaroon ng bagong karelasyon pero siniguro nito na hindi na niya isasapubliko kung sino ang susunod niyang magiging boyfriend. Para sa aktres, ito ang nakikita niyang paraan para maprotektahan ang sinasabing karelasyon sa ngayon.

Nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ng dating kapareha na si Joshua Garcia at nakaranas din nang katakut-takot na pamba-bash nang maiturong rason diumano sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson.


Dahil nga parehong pinag-usapan at naging isang malaking isyu sa showbiz, naiintindihan namin kung bakit gusto ni Julia na gawing pribado ang bagong relasyon niya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page