top of page
Search
  • BULGAR

Bago nauwi sa non-showbiz partner… ANGELICA, NAKAILANG PALIT NG BF SA SHOWBIZ

ni Beth Gelena @Bulgary Files | August 7, 2023



Isinama nina Angelica Panganiban at Gregg Homan ang kanilang anak na si Amila Sabine o Baby Bean sa paggo-grocery nila. Ipinost ni Angge ang larawan ng anak sa kanyang Instagram account.


Makikita sa naturang larawan na nakatayo si Gregg sa tabi ni Baby Bean, habang nakaupo naman ito sa grocery cart. Ang caption ng aktres, “Her first grocery run.”


Ganyan si Angge, every single moment ng kanyang buhay ay ibinabahagi niya sa social media, lalo pa nang magkaanak na siya. In short, open book ang aktres sa kanyang love life at personal life.


Kamakailan lang ay ishinare ni Angge ang larawan ng kanyang pamilya nang bumisita sila sa mga ito kasama ang mag-ama niya. Aniya sa larawan nila, “REUNITED after driving for 8 hours from Pasig-Subic. Muntik nang kumalas ‘yung mental health ko. Buti, umabot ako bago matuluyan.”


Next year ay magiging legal na Mrs. Gregg Homan na si Angelica. Masaya ang actress dahil natagpuan na niya ang kanyang “the one” sa katauhan ng non-showbiz businessman na si Gregg.


Si Carlo Aquino ang naging first boyfriend ng Kapamilya actress na sinundan ni Derek Ramsay and later on ay si John Lloyd Cruz, pero nang mag-break ang dalawa ay muli silang nagkabalikan ni Carlo.


Sa kasamaang palad, hindi siguro talaga sila ang magkapalaran kaya’t nag-concentrate na lang si Angge sa kanyangq career at hanggang sa na-meet na nga niya si Gregg sa pamamagitan ni Cherry Pie Picache.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page