top of page
Search
  • BULGAR

Bago naging super rich… WILLIE, AMINADONG GALING ISKUWATER

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 26, 2021





Very proud lolo si Willie Revillame sa kanyang dalawang tagapagmanang apo sa anak na si Meryll Soriano.


Ang panganay ay si Elijah Palanca na anak ni Meryll sa dating asawang si Bernard Palanca at ang bunso naman ay kapapanganak pa lang at first baby naman nila ni Joem Bascon.


Super-lolo nga si Willie sa dalawang apo dahil siyempre, kilala naman natin ang pagiging galante ng TV host. Heard na talagang lagi niyang binibigyan si Meryll ng panggastos para sa mga apo.


Ayon kay Willie, gusto niyang maging kaibigan at barkada rin ang dalawang apo.


“Hindi lang lolo, hindi lang apo, parang gusto ko na kaibigan mo, kabarkada mo ‘yung apo mo, ‘yung ganu’n. Kung ano ‘yung nakikita mo sa akin on TV, parang gusto ko, ganu’n. ‘Yung iniinis mo, ‘yun ang gusto ko, eh,” sey ni Lolo Wil sa 24-Oras.


“'Pag dinadala sa akin ni Meryll ‘yung bata, sabi ko, ‘Eto ‘yung mga mag-aalaga sa akin,' ‘yung mga batang ‘yun. Parang feeling ko, ganu’n na,” dagdag pa niya.


Bukod sa kanyang mga apo, ang nagpapasaya rin kay Willie ay ang makitang may mga natutulungan siya in his own way at sa pamamagitan din ng kanyang programang Wowowin.


“Every time na may nagba-Viber sa 'min, nagpapasalamat, ipinapakita 'yung pinamili - bigas, 'yung gamot ng nanay, 'yung gamot ng tatay. I think 'yung realization nito is kailangan na kailangan natin ng tulong sa mga kababayan natin,” aniya.


Galing din daw siya sa hirap kaya ramdam na ramdam niya ang pinagdaraanan ng mga taong humihingi ng tulong. Naranasan din daw niya ang tumira sa squatter before.


“Minsan 'pag may nakikita akong bata, 'Ito ako dati, dito ako nanggaling.' So nararamdaman ko 'yun,” sey ni Willie.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page