Bago maoperahan… KRIS, HUMIRIT SA DOC NA HALIKAN SIYA SA LIPS

ni Vinia VIvar @Frankly | October 13, 2026

Photo: Kris Aquino - IG
‘Kaaliw ang ibinahagi ng close friend and confidante ni Kris Aquino na si Dindo Balares tungkol sa recent medical procedure ng Queen of All Media.
Sa isang social media post, ibinahagi ng dating entertainment editor ang kuwento ni Kris tungkol sa nangyari noong Martes, nang sumailalim siya sa pagpapalit ng Peripherally Inserted Central Catheter (PICC) line sa kanyang port-a-cath.
Although outpatient procedure ito, late na raw nagpadala si Kris ng picture habang nakahiga pa siya sa hospital bed. Kaya naman agad siyang tinanong ni Dindo kung okay lang siya.
“Are you okay?” tanong niya kay Kris.
“Yes, very okay,” ang sagot naman ng TV host-actress.
Kasunod nito ang nakakatuwang kuwento ni Kris nang tamaan na siya ng anesthesia.
Ayon kay Dindo, ikinuwento ni Kris na habang inaantok pa lamang siya dahil sa anesthesia, nagawa niyang sabihan ang kanyang doktor na halikan siya sa lips.
“Kuya Dindo habang naka-anesthesia but patulog pa lang, super-nakakahiya ako, I was telling Dr. _____ to kiss me sa lips,” (as is) kuwento ni Kris.
Hindi naman pinalampas ng kanyang anak na si Bimby ang pagkakataong sawayin ang kanyang ina.
“Bimb said, ‘Mama no, only in the cheek,’” ani Kris.
At dahil kinakabahan daw siya sa procedure, hiniling pa niya sa doktor na mag-holding hands sila hanggang sa tuluyan siyang makatulog.
“Then I said, let’s hold hands Doc _____. I was really nervous, Kuya Dindo. So kind of him he held my hand until I was asleep,” pagbabahagi niya.
Ayon pa kay Kris, sinabi raw ng doktor sa kanyang mga nurse na epekto lamang iyon ng anesthesia.
Samantala, nahirapan naman daw ang mga nurse na pigilan ang kanilang pagtawa dahil siya lamang ang patient na humihiling na halikan sa lips!
Maging ang kanyang abogado na si Atty. Gid ay natawa sa kuwento at tinawag itong ‘classic’.
Hindi rin nawala ang signature humor ni Kris nang pabirong banggitin ang tungkol sa kanilang prenup.
“Please prepare,” biro pa niya.
Pero ang pinakanakakatawang bahagi ng kuwento ay ang mahigpit na paalala ni Bimby sa kanyang ina.
“Bimb said, ‘Mama if on the lips please do it privately. You’re not shooting a kissing scene,’” tsika ni Kris.
Sa pagtatapos ng kanyang post, muling tiniyak ni Dindo na ‘very okay’ si Kris, base sa kanilang pag-uusap.
Patuloy namang umaasa ang kanyang mga tagasuporta na mas marami pang good days ang mararanasan ng Queen of All Media habang patuloy siyang nagpapagaling.
MAS pinalawak pa ng ASAP XP ang pamilya nito matapos magsama-sama ang Kapamilya stars at Star Worx artists sa isang grand concert party sa Lapid Arena sa Angeles, Pampanga nitong Linggo.
Tampok sa nasabing show ang ilan sa mga big names sa Philippine entertainment industry, kabilang sina Ogie Alcasid, Piolo Pascual, Bamboo, Erik Santos, Darren Espanto, Belle Mariano at Alexa Ilacad. Nakisaya rin ang Star Worx artists na sina Celyn David at Carmela Lorzano, gayundin ang TV5 artist na si Dylan Menor.
Hindi lamang ito ordinaryong concert party dahil minarkahan din ng event ang panibagong milestone sa partnership ng ABS-CBN at TV5.
Sa naturang pagtitipon, pormal na nilagdaan ng dalawang networks ang kanilang co-production agreement para sa ASAP XP, na mahigit tatlong dekada nang nagbibigay-aliw sa mga Pilipino.
Simula October 18, mapapanood na rin ang programa sa TV5, bukod sa iba pang platforms na nagdadala nito sa mas maraming viewers.
Dumalo sa ceremonial signing sina ABS-CBN Chairman Mark Lopez, President and CEO Carlo Katigbak at Chief Partnership Officer Bobby Barreiro, kasama sina TV5 Chairman Manuel V. Pangilinan (MVP) at TV5 Officer-in-Charge Chaye Cabal-Revilla.
Para kay MVP, isang promising move ang partnership para sa dalawang network at sa buong entertainment industry.
“It was a compelling proposition for both ABS and TV5. The result this afternoon was a wonderful show. What a dynamite combo. It goes to show what we can do if we work together as an industry,” saad niya sa panayam ng ABS-CBN.
Binigyang-diin naman ni Cabal-Revilla ang kahalagahan ng pagtutulungan upang mas maipakilala ang talento ng mga Pilipino sa mas malawak na audience.
“The industry needs to work together, to collaborate, for us to showcase more talent and really great shows globally,” aniya.
Sa pamamagitan ng partnership, inaasahang mas maraming Filipino artists ang mabibigyan ng pagkakataong maipakita ang kanilang talento at makapaghatid ng world-class entertainment sa mga manonood.





Comments