top of page

Bagay na bagay daw, Sharon… FRANKIE, TODO-POST NA SA GUWAPONG BF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | April 26, 2026



BIDA - FRANKIE, TODO-POST NA SA GUWAPONG BF-IG _frankiepangilinan

Photo: IG _frankiepangilinan



May paayuda na namang photo si Frankie Pangilinan sa mga shippers nila ng rumored boyfriend niyang si Daniel Laurel. As in, larawan lang nila na magkatabi at hindi nga sweet, pero kinilig ang mga nakakita.


Sa photo, magkatabi sina Frankie at Daniel, pero hindi nagpapansinan at nakasimangot pa nga si Frankie. Si Daniel naman, naka-focus sa kanyang phone at parang walang katabi. 


Hindi rin romantic ang caption ni Frankie sa post na “All songs are old to someone,” pero enough na ito para may mga kiligin.


First time ring nakita ang face card ni Daniel at kahit natatakpan ng kanyang phone ang bibig, kita na guwapo ang dyowa ni Frankie. Tama rin ang mga comment na bagay na bagay silang dalawa.


‘Kaaliw ang comment ng sister ni Frankie na si Miel Pangilinan na, “There y’all go again,” at sinundan ng “I’m kidding, I love you.”


May pa-soft launch na sina Frankie Pangilinan at Daniel Laurel sa kanilang relasyon. Waiting ang lahat kung kailan ang hard launch. Gusto lang iparating ng mga followers ni Frankie na aprub sa kanila ang dyowa niya at happy sila na happy ang love life niya.





RAMDAM sa boses ni Ai Ai delas Alas na maiiyak ito dahil sa sagot na, “Mga anak ko, ‘di nila ako iniwan,” sa tanong sa cast ng My Bespren Emman (MBE) kung sino ang kino-consider nilang best friend.


Si Shaina Magdayao, mga ate niya ang sagot, pero nakangiti. Pero si Ai Ai, biglang nalungkot.


Alam natin ang nangyari sa married life ni Ai Ai at kahit tumatawa at masaya siya, kapag ganitong mga tanong ang ibinabato, lumalabas ang tunay niyang nararamdaman. Mas lalo siyang naging close sa mga anak after her failed marriage at ang ipinagpapasalamat nito, blessings ang kapalit noon.


Isa sa mga itinuturing niyang blessings ang pagkakasama niya sa cast ng inspirational family drama ng TV5 na magpi-premiere bukas, 8:45 PM. Madre ang role ni Ai Ai at ibig sabihin, hindi siya magko-comedy.


“Si Papa P talaga ‘yung kumausap sa ‘kin. Akala ko nga, s’ya ang makakaeksena ko, ‘yun pala ay s’ya ‘yung producer. Sabi n’ya, ‘Madre ka, okay lang?’ Mahirap kasi s’yempre, ‘Ako, madre?’ Parang ganu’n. Although sinabi ko sa sarili ko, siguro, binigyan naman ako ni Lord ng gift,” kuwento ni Ai Ai sa pagkakasama niya sa cast.


Hindi lang madre si Rebecca (pangalan ng karakter ni Ai Ai), isa rin siyang misyonaryo na gagabay kay Mateo (JM de Guzman) sa mga pinagdaraanan nito.


Sa mediacon ng series, nagpasalamat si Ai Ai delas Alas kay Piolo Pascual at sa TV5 sa pagkuha sa kanya sa series. Pinasalamatan din nito ang GMA for allowing her to accept the project na magbibigay-inspirasyon sa mga viewers.





HINDI na nito maba-bash si Ryan Agoncillo dahil nagpagupit na ang mister ni Judy Ann Santos. 


Grabe ang comment kay Ryan nang mag-guest sila ni Judy Ann sa talk show ni Matteo Guidicelli na Mateo G Primetime (MGP).


May comment na parang hindi na nag-aayos si Ryan at hindi nagpapagupit dahil mahaba ang salt-and-pepper niyang hair. 


May nagtanong pa kung sino ang hair stylist nito at bakit daw hindi pinapayuhan si Ryan na magpagupit.


Ngayon, wala nang mang-ookray kay Ryan dahil nagpagupit na nga siya, pero ang dati niyang hair style, actually, ay bagay sa kanya. 


Sabi ng mga netizens, sa looks ni Ryan ngayon, bagay sa kanya ang role ng doctor sa TV5 adaptation ng The Good Doctor (TGD).


Nag-photoshoot ang cast at naging daan ‘yun para finally ay magpagupit si Ryan.

Mabuti raw pala at may series siya at kinailangan niyang magpagupit. 

Siguro raw, pati si Judy Ann ay nagpasalamat sa bagong project ng asawa na back to acting na ulit.


Sabi naman ng manager ni Ryan na si Noel Ferrer, “Excited on this new character that you will create, @ryan_agoncillo.” 


Hindi lang kasi magaling na host si Ryan Agoncillo, mahusay din siyang aktor at patutunayan niya ito sa The Good Doctor.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page