top of page

Bagay daw na ka-tandem ni Mayor Vico… GOV. VILMA, NO-NO-NO SA PAGTAKBONG PANGULO SA 2028

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11h
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 25, 2026



Mayor Vico Sotto, Mayor Joy Belmonte, Ralph at Vilma Santos-Recto - FB

Photo: Mayor Vico Sotto, Mayor Joy Belmonte, Ralph at Vilma Santos-Recto / FB @Vilma Santos-Recto



“No-no-no” ang agad na sagot ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto sa posibilidad na pagtatambal nila ng kanyang inaanak na si Pasig Mayor Vico Sotto sa 2028 elections.


After kasing magdeklara ni VP Sara Duterte na tatakbo itong pangulo sa 2028, may mga dismayado na hindi pabor sa ipinai-impeach ngayong anak ni FPRRD.


Kaya naman, may ilang nagsulong ng option na naniniwalang magandang tambalan ang ViVi o Vilma-Vico sa 2028 lalo’t parehong malinis ang record ng dalawa sa paglilingkod lalo na kung ang pag-uusapan ay good governance.


Pero nang mabasa nga ng aming idolong si Ate Vi ang Facebook post namin tungkol sa ViVi tandem, agad itong nag-comment ng “Hahahaha!! Salamat my friend! No, no, no! Janiz!”


Kunsabagay, ‘di namin masisisi si Ate Vi, sa lagay na kinakaya pa niya ang responsibilidad sa Batangas, baka ‘pag naging presidente siya, mawalan na rin siya ng time para kay Baby Peanut at tumanda siyang bigla sa dami ng problema. Hahaha!





Na-fall raw sa aktor, todo-kilig…

BELLE, UMAMING SPECIAL SI DONNY SA KANYA



MAY bagong album ang Star Magic artist na si Belle Mariano at ibinalita niya ito sa ginanap na Spotlight presscon last Monday.


Titled Like U, inspired si Belle na nag-sample ng isa niyang kanta at in fairness, hindi siya mare-reject ng isa sa mga judges na si Donny Pangilinan kung sakaling sasali siya sa Pilipinas Got Talent. Hahaha! 


Anyway, dahil love team nga sina Belle at Donny, kahit pansamantalang naghiwalay at nagkani-kanyang project ay aminado ang singer-actress na patuloy silang nag-uusap ng aktor.





Inamin din ni Belle sa amin na special para sa kanya si Donny at na-fall siya rito nu’ng ginagawa nila ang Can’t Buy Me Love. Pero sa ngayon, hindi pa raw niya nakikita ang mga signs na puwede na silang mag-level-up into a relationship kaya ine-enjoy muna nila ni Donny kung ano’ng meron sila.


Soon ay magtatambal uli sila sa movie na Tayo sa Wakas, at abangan na lang natin kung magiging sila na nga sa wakas kapag naging mas close uli sila.


Samantala, natanong din namin si Belle kung game siyang gumanap na Dyesebel at positive naman ang sagot niya dahil gusto raw niya ng challenge sa kanyang acting skills.

Dream din niyang makatrabaho sina Judy Ann Santos at John Lloyd Cruz sa isang project.


Well, exciting nga ‘yan, Belle! Sana ma-push ‘yan at matupad din ang wish mong makapagsulat ng sarili mong songs.







Tagumpay na nairaos ang ginanap na Induction and Recognition Ceremony ng grupong Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) kahapon, Pebrero 24, sa Bayanihan Center ng Unilab sa Pasig City.


Maagang nagdatingan ang mga panauhin sa pangunguna nina AKTOR Chairman Dingdong Dantes and President Iza Calzado, MOWELFUND Chairperson Boots Anson-Rodrigo and President Rez Cortez, Fire and Ice Entertainment CEO and founder Direk Ice Seguerra and wife Liza Diño-Seguerra.


Sina Dingdong at Iza ang nanguna sa panunumpa ng mga bagong SPEED officers ngayong 2026.


Masaya ang AKTOR chairman na sila ni Iza ang napili ng SPEEd dahil aniya, “Siyempre, we belong to the same industry. Napakasarap makita na kapag ‘yung mga kasama mo sa industriya ay nag-oorganisa at lalung-lalo na pino-formalize ‘yung kanilang samahan kasi talagang makikita mong seryosong-seryoso sila sa development ng mga organizations.

“And AKTOR will always be there to support our colleagues in the industry kaya we’re very grateful na naimbitahan kami dito sa panunumpa ng organisasyong SPEED.”


Bilang chairman ng AKTOR, ibinalita ni Dingdong na marami silang naka-line-up na proyekto para sa pagpapatibay ng welfare and craft ng mga kapwa niya aktor sa industriya at excited daw silang makipag-collaborate sa SPEEd na may ganito ring layunin.


Sa ngayon, nasa more than 300 members na raw ang AKTOR at goal nilang umabot sa 400 by the end of 2027.


Nilinaw din ni Dingdong na non-partisan group ang AKTOR at wala silang kulay-pulitika.

Samantala, sa ginanap na programa, itinalaga bilang pangulo ng SPEEd si Tessa Mauricio-Arriola, Entertainment and Lifestyle Editor ng The Manila Times


Kasama niya sa listahan ng mga bagong opisyal sina Maricris Valdez Nicasio (Hataw), VP for Internal Affairs; Gerardine Trillana (Malaya Business Insight), VP for External Affairs; Ervin Santiago (Inquirer Bandera), secretary; Rohn Romulo (People’s Balita), asst.-secretary; Dondon Sermino (Abante TNT at DWAR 1494), treasurer; Anna Pingol (Pika-Pika.com), asst. treasurer; Jerry Olea (PEP.ph), auditor; at sina Nickie Wang (Manila Standard), Janice Navida (Bulgar) at Neil Ramos (Tempo).


Ang iba pang miyembro ng SPEEd ay sina Eugene Asis (People’s Journal), Ian Farinas (People's Tonight) at Salve Asis (Pilipino Star Ngayon at PangMasa), kasama sina Nestor Cuartero (Manila Bulletin at Tempo), Dinah Ventura (Daily Tribune), Nathalie Tomada (Philippine Star), Bobby Requintina (Manila Bulletin), Jun Lalin (Abante) at mga nagretiro nang patnugot na sina Dindo Balares (Balita) at Rito Asilo (Philippine Daily Inquirer).


Bukod sa ginanap na induction ng mga bagong opisyal ng SPEEd, sa unang pagkakataon ay nagbigay din ang grupo ng Recognition Awards sa mga naging katuwang nito sa mga nakaraang taon sa pagsusulong ng mga adbokasiya ng grupo.


Pinarangalan sina Ms. Claire Papa, assistant vice-president at head ng External Affairs and Social Partnerships ng Unilab Inc.; Maria Yolanda "Yoly" Crisanto, chief sustainability at corporate communications officer ng Globe Telecom; Joy Andrade, direktor para sa Corporate Communications sa Newport World Resorts; Angeli Pangilinan-Valenciano, board member ng SoundCheck Inc.; Juancho Robles, presidente at punong ehekutibo ng ChanRobles & Company CPAs; at Rhea “Rei” Anicoche-Tan, presidente at chief executive officer ng Beautéderm.


Big congrats to our group, SPEEd, at maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa aming event kahapon kabilang na ang ilang kasamahan sa print media, ABS-CBN Corp. Communications headed by Sir Kane Choa, Mr. Nelson Canlas of GMA-7, Chris Cahilig of Puregold, Sir Wilson Flores of Kamuning Bakery, Ms. Pinky Tobiano and husband Juancho Tobiano, David Young and Newport Resorts World PR team.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page