top of page
Search
  • BULGAR

Badyet sa edukasyon ng kabataan, imbes na tapyasan, dapat dagdagan

@Editorial | September 25, 2023


Patuloy ang panawagan sa Kongreso na ibalik ang pondong P6.155 bilyon na inalis sa panukalang badyet para sa state universities and colleges (SUCs).


Napag-alaman na 30 state schools ang nahaharap sa budget cuts sa susunod na taon batay sa 2024 National Expenditure Program, ang batayan para sa General Appropriations bill.


Ang nasabing bawas-pondo ay makaaapekto umano sa capital outlay o paggasta para sa mga pasilidad, kagamitan, at iba pang pamumuhunan na magsisilbi sa mga institusyong ito nang mas mahaba kaysa sa susunod na fiscal year.


Ayon pa sa SUCs, kailangan ng karagdagang badyet para sa mga learning institutions upang mabawi ang kanilang public character at magbigay ng sapat na suporta para sa mga serbisyo ng mag-aaral at faculty development.


Kung ang mga state universities and colleges ay inaasahang gagawin ang kanilang mga tungkulin, dapat nga naman na sila ay mapondohan nang naaayon.


Una nang nagmungkahi ang budget department ng P100.88 bilyong badyet para sa SUCs sa susunod na taon, na 5% na mas mababa kaysa sa 2023 outlay.


Umaasa tayo na pag-aaralang maigi ng mga mambabatas ang nasabing usapin. Huwag sanang malagay sa alanganin ang pag-aaral ng mga kabataan lalo na ngayon na kailangang bumawi mula sa epekto ng pandemic sa edukasyon.


Kung nakakapaglaan tayo ng napakalaking badyet sa ibang programa at proyekto, huwag din sana nating kalimutan ang sa edukasyon na pundasyon din ng ating ekonomiya.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page