top of page

Bad trip sa pambabastos kay Anne… ANGEL, GUSTONG PALUIN SI CONG. SUNTAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | March 5, 2026



BULGARY - ANGEL, GUSTONG PALUIN SI CONG. SUNTAY_FB Angel Locsin & IG _bongsuntay

Photo: FB Angel Locsin & IG _bongsuntay



Pinuna ni Ogie Diaz ang remarks ni QC Rep. Bong Suntay tungkol kay Anne Curtis dahil sa mga komento nito tungkol sa TV host-actress noong impeachment hearing sa Kongreso laban kay Vice-President (VP) Sara Duterte.


Inamin ni Suntay na minsang nakita niya si Anne sa Shangri-La, nagandahan siya rito kaya ‘nag-init’ siya at nag-imagine na ng mga puwedeng mangyari.


Dahil dito, umani si Suntay ng mga negatibong komento mula sa mga netizens at mga kapwa rin mambabatas.


Ani Ogie sa kanyang Facebook account, “‘Yung Congressman namin sa 4th district ng QC, sino kaya ang idol n’ya? Ba’t ganyan s’ya mag-imagine? Pang-inuman lang ‘yung nai-imagine mo, ‘di pang-Lower House (Mababang Kapulungan ng Kongreso). Dapat magigiting kayo r’yan. Puro facts, ‘di puro imagination.”


Bukod kay Ogie, umalma rin ang mga kapwa celebrities ni Anne na hindi nagustuhan ang mga binitiwang pahayag ni Cong. Suntay.


Prangkang sabi ni Lotlot de Leon, “OMG! At dapat ay isa kang statesman? Para pag-usapan pa ito nang malakas? Wala ka bang kahit kaunting kagandahang-asal?”


Nag-react din si Angel Locsin, “Anak ng tokwa. Saan ba ‘yung pamalo?”


Maging si Nadine Lustre ay pinuna ang komento ni Suntay at ang pagtawa sa loob ng silid, “May mga nakangiti at natatawa pa. Kadiri.”


Sabi naman ng mga netizens…


“Manyak ang congressman na ‘yan.”


“Namanyak si Anne Curtis.”


“Sign of being a DDS (Duterte Diehard Supporter).”


“Tar**tadong congressman na ‘yan. ‘Di dapat i-address na honorable, dapat ay ‘dishonorable’. ‘Yung statement is unparliamentary, unbecoming, uncalled for and unprofessional. Shame on you, Suntay.”


“Ano kaya ang reaction ng mama n’ya, asawa n’ya, mga anak n’ya at mga pamangking babae n’ya at mga kapatid na babae at mga hipag? Grabe! Ang bastos mo, Suntay.”

“Is he in his right mind? What about the wife? What did she say?”


“Bastos na matanda, walang delicadeza, may asawa’t anak na mga babae pa naman.”

“Kawawang Anne, walang kaalam-alam na pinagnanasaan pala s’ya ni Suntay.”

“Curious lang po, sa mga abogado, may tsansa po bang kasuhan ni Anne si Suntay? Just asking.”


Para sa akin, ang masasabi ko sa congressman na ito ay jusmio, utak-biya pala ang mambabatas na ito!


Ano kaya ang masasabi ng kanyang pamilya sa wild imagination niya na dapat ay sinarili na lang niya?


Tsk, tsk! Naturingan pa namang “JESUS MANUEL ANGEL” ang pangalan nitong si Suntay, pero walang GMRC! 


Dapat sa ‘yo, ipako sa krus, tutal malapit naman na ang Mahal na Araw. Grrr!!!

Sorry po, dear readers ng BULGAR, na-carried away lang po. Hehe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page