Bacuit Bay at Basheirrou, magpapayanig sa SLLP

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | April 21, 2022
Nanguna sina Bacuit Bay at Basheirrou sa mga nagdeklara ng pagsali sa 2022 PHILRACOM "Road to Triple Crown Stakes Race" na pakakawalan sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
May distansiyang 1,400 meter race, maliban kina Bacuit Bay at Basheirrou ang ibang nagsaad ng pagsali sa event na may P500,000 na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.
Ayon sa mga karerista, mahirap pumili dahil lahat ng kasali ay mga mahuhusay at magaganda ang kanilang tiyempo sa huli nilang laban. "Mas malaki ang tsansa kapag tatlo ang pipiliin ko para sa gagawin kong Winner Take All, (WTA)." saad ni Edgardo Salcedo, veteran karerista.
Ang ibang nagsaad ng pagsali sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ay sina Eazacky, Enigma Uno, Ipolitika, King Hans, Lauriatisimo, Lucky Choice at Pharaoh's Star. Hahamigin ng mananalong kabayo ang P300,000, ibubulsa ng 2nd placer ang P100,000 habang sa third, fourth, fifth at sixth ay tig-P50,000, P25,000, P15,000 at P10,000 ayon sa pagkakahilera.
Samantala, may 7 karera ang inihain ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ngayong araw kaya inaasahang magiging masaya ang mga karerista.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. Sinag (8), Iron Hook/Jersy Crown (7/7A), Little Ms. Saturday (3)
Race 2. Yabba Dabba Doo (5), Black Magic Woman (1)
Race 3. Melody's Diamond/Chase The Gold (2/2A), Inter State (6)
Race 4. Pilya (2), Bonifacio (3), Red Hawk (1)
Race 5 Opportunity (3), Cocomelon (5)
Race 6. Lady Of Peace (5), Lady Zip (4)
Race 7. Correct Ka Dyan (1), Prince Jhon (6), Hello Junior (8)





Comments