Backhoe operator, nalibing nang buhay
- BULGAR

- 23 hours ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | August 29, 2026

Photo: Backhoe operator, natabunan ng buhay matapos bumigay ang quarrying site sa Misamis Oriental nitong August 27. (Mai Ancheta)
Isang backhoe operator ang nasawi matapos bumigay ang lupa sa quarrying site sa Brgy. Casinglot, Tagoloan, Misamis Oriental nitong Huwebes, Agosto 27.
Kinilala ang nasawi na si Michael Alifonso, 30.
Batay sa imbestigasyon, naghuhukay ang biktima gamit ang backhoe nang bumigay ang lupa sa paligid ng quarrying site at natabunan ito kasama ang backhoe.
Nahirapan ang rescue team na mahukay ang biktima dahil sa mga pag-ulan at na-recover ito matapos ang mahigit limang oras.
Dinala ang biktima sa St. Paul Hospital subalit hindi na ito umabot nang buhay.





Comments