top of page
TEKA NGA - MANONG CHAVIT, UMAMING NAUUBOS ANG DATUNG SA MGA BEAUTY QUEENS-FB Luis Chavit S

Babu sa pagiging comedian… JOROSS, PAMBANSANG BESPREN NOON, BIDA NA NGAYON

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 29, 2026



TEKA NGA - JOROSS, PAMBANSANG BESPREN NOON, BIDA NA NGAYON-IG _joross_gamboa

Photo: IG _joross_gamboa



Personally, nagustuhan namin ang pelikulang Wantawsan na isa sa mga full-length films na kalahok sa 3rd Puregold CinePanalo Film Festival. Ito ay pinagbibidahan ni Joross Gamboa, kapareha si Rita Daniela.


Ibang-iba ang pagganap na ipinamalas ni Joross dito. Kung dati ay ang pagiging comedian ang kanyang forte, dito ay ginampanan niya ang seryosong role bilang ama na naghahangad bigyan ng magandang birthday party ang kanyang anak.


Pero kapos na kapos naman siya at walang sinuman ang gustong magpautang. 

Tiyak na maraming tatay ang makaka-relate sa role ni Joross. Deserve niyang manalo ng acting award, sa totoo lang. Grabe ang emosyon na ibinuhos niya sa kanyang role. 


Well, dati ay binansagan siyang ‘Pambansang Bespren’, ngayon ay pambida na siya, at kayang-kaya pala niya ang seryosong role.


Magaling din ang suporta na ibinigay ni Rita Daniela kay Joross, at ang iba pang cast. Kahit na hindi mga sikat na artista ay may ambag din sa pelikula.


Ang Wantawsan ay idinirek ni Joseph Abello. Sa ginanap na gala night ng pelikula sa Gateway Cinema 18, dumalo ang mga BFF ni Joross Gamboa na sina Jason Abalos at Joseph Bitangcol.





Ngayong nagkabalikan na…

FANS NINA KRIS AT KATRINA, WISH NA IPALABAS ANG BAGONG LOVE STORY



Finally, inamin na nina Katrina Halili at Kris Lawrence ang real status ng kanilang relasyon. At mismong anak nilang si Katie ang nagbunyag kung kailan sila opisyal na nagkabalikan. 


Last September 13 daw naging selyado ang balikan at ang unang natuwa ay ang anak nila.


Maging ang mga fans nina Katrina at Kris ay nagdiwang at sobrang excited sa muli nilang pagbabalikan.


Samantala, suportado ng lahat ng grupo ng kanilang fans ang lahat ng events ng KatKris tandem. Wish nilang itampok din sa telebisyon ang love story ng dalawa.


May ilang fans naman ang humihiling na mag-show sina Katrina at Kris sa mga key cities. At puwede rin silang magkaroon ng mini-concert bilang selebrasyon sa kanilang pagbabalikan.





Malakas pa rin ang sex appeal…

MARK ANTHONY, MABENTA SA SEXY MOVIES



Mabentang-mabenta ngayon si Mark Anthony Fernandez bilang leading man sa mga sexy movies ng Vivamax (VMX). Bukod kasi sa malakas ang kanyang sex appeal sa mga kababaihan, magaling din siyang umarte at minana niya ito sa kanyang amang si Rudy Fernandez.


Bentahe ni Mark Anthony na puwede siya sa kahit na anong klaseng role, mapa-action man o drama. Kaya kabilang si Mark sa cast ng remake ng pelikulang Isla, na pinagbibidahan ni Margaret ‘Margie’ Diaz. 


Ang Isla (2026) ay ikatlong remake ng pelikula matapos ang original na bersiyon noong 1985 na pinagbidahan ni Maria Isabel Lopez at ang Isla: The Younger Version noong 1996 na pinagbidahan naman ni Via Veloso.


Tungkol naman sa love life ng aktor, nakarelasyon niya si Claudine Barretto, pero hindi sila pinalad na magkatuluyan. Mistulang roller coaster ang naging pagmamahalan nila. 


Dahil sa suporta ng kanyang pamilya at mga kaibigang nagmamalasakit, muling nakabalik sa showbiz si Mark Anthony. Aktibo na naman siya sa paggawa ng pelikula at malaki ang naitulong sa kanya ni Boss Vic del Rosario ng Viva Entertainment.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page