Babu na talaga, James… FANS, TODO-BILIB NA PAKAKASALAN NA SI NADINE NG BF
ni Julie Bonifacio - @Winner | January 14, 2022

Hayan na at may-I-post na si Nadine Lustre sa kanyang Instagram ng picture nila together ng rumored boyfriend niya na si Christophe Bariou.
Marami ang kinilig sa picture ni Nadine with Christophe na nasa happy mood habang may kani-kanyang hawak na glass of champagne sa post ng aktres on her IG na may mahigit 10 M followers.
Simpleng magic hat and wand emojis lang ang inilagay na caption ni Nadine sa pictures nila ni Christophe. Love and magic, ganern?
Tingin ng mga netizens, parang confirmation na ito ng kanilang relasyon.
“Love! Love! Love!"
“Happy for Nadine.”
Duda ng mga netizens, magkakatuluyan hanggang simbahan ang dalawa.
“Nadine’s future hubby.”
“Parang sila na magkakatuluyan, mukhang seryoso naman 'yung guy at nasa edad naman na sila. Good vibes lang po, maging happy na lang sa kanila. Masaya na si Nadine, same with James na happy na rin. Who knows magka-work ulit sila together pero siyempre, purely business na lang 'yun, eh, kung nasa showbiz pa sila.”
At least, dinadahan-dahan muna ni Nadine ang kanyang mga fans/followers sa pag-a-update regarding her love life. Baka nga naman biglang mawala ang fans niya especially ang JaDine, ‘noh!





Comments