Babawi ba ang SMB at Bolts sa Game 2 semis?
- BULGAR
- Oct 6, 2021
- 2 min read
ni Gerard Arce - @Sports | October 06, 2021

Aminado ang mga kampo ng top seed na TNT Tropang Giga at number 3 ranked na Magnolia Pambansang Manok Hotshots na kailangang magsumikap sa bawat laro laban sa 5-time Philippine Cup titlist na San Miguel Beermen at No.2 Meralco Bolts upang maging matagumpay sa Game 2 ng kani-kanilang best-of-seven semis series sa 46th PBA sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga.
Kapwa may una nang panalo ang Giga at Hotshots sa Game 1 at inaasahang patuloy na magiging dikdikan ang Game 2 ng TNT at SMB sa unang laro ng 3 p.m. na susundan ng Hotshots at Bolts sa main game ng 6 p.m.
Tanggap ni TNT head coach Chot Reyes na nananatiling malaking problema si 6-time PBA MVP June Mar Fajardo na nalimitahan lang nila sa 13 pts sa 89-88 panalo noong Linggo ngunit tiyak na babawi ang 6'10 Cebuano center ito sa susunod na laro. “You can never solve a problem like June Mar. The best we can do is just to limit. He may have had only 13 points, but the others picked it up. I think San Miguel is constructed in such a way that they're so deep. They really don't need June Mar to score 20, 30, or 40 points. They need June Mar to be their inside presence, and everyone else scores off him. Ganun kalakas ang team na ito. I don't think there's by any stretch that we have solved the June Mar Fajardo problem."
Kinakailangan namang panatilihin ng Hotshots ang maiging pagsisikap at masigasig na pagtatrabaho kontra Bolts dahil hindi ito madaling kalaban at paniguradong babawi sa susunod na laro. “It's always a tough game. It's always a dogfight. Both teams naman, may pride yan eh. They have a system also. Kumbaga, duguan bago ka maka-score. It's all about the discipline and execution. Kita nyo naman from start to finish, close game eh, so siguro sa dulo lang magkakatalo talaga,” ayon kay coach Chito Victolero ng Hotshots.





Comments