top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Babangga sa pader ng China ang Manila Chooks

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 22, 2023
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 22, 2023




Mga laro ngayong Sabado – Wuxi, Tsina

4:35 p.m. Beijing vs. Manila Chooks

9:00 p.m. Utrecht vs. Manila Chooks

Literal na malaking pader ang aakyatin ng Manila Chooks sa pagsabak nila ngayong Sabado sa FIBA3x3 Wuxi Challenger sa Tsina. Nabunot ang numero unong koponang Pinoy sa Grupo C kasama ang mga bigatin Beijing ng Tsina at Utrecht ng Netherlands subalit determinado sila na ibigay lahat para sa bayan.


Pangungunahan muli ang atake ng numero unong manlalaro ng bansa at #130 sa buong mundo Mark Jayven Tallo. Sasamahan siya muli nina Paul Desiderio, Dennis Santos at import Marcus Hammonds na biglang pinalitan si Tosh Sesay matapos ang suliranin sa bisa.


Una nilang haharapin ang Beijing sa 4:35 p.m. Babalik sila ng 9:00 p.m. para sa pagkikita sa Utrecht. Kilala ng mga Filipino ang Beijing na nagtapos na pangatlo sa Manila Masters noong Mayo. Hindi sila nagharap ng Manila subalit nasaksihan ng lahat ang kakaibang husay ng kanilang dalawang import Karlis Lasmanis at Nauris Miezis na parehong kasapi ng koponan ng Latvia na nagwagi ng ginto sa Tokyo Olympics.


Nagtapat na ang Manila at Utrecht ng dalawang beses ngayong taon noong dumayo sila sa Amsterdam para sa serye ng apat na torneo noong Marso. Binigo ng Utrecht ang Chooks sa unang yugto, 22-14 at umulit sa quarterfinals 22-11.


Kailangang mapigil ngayon ng Chooks ang 7’0” higanteng Hieronymus Van Der List na nagpahirap sa mga Pinoy.


Kung papalarin, haharapin ng Chooks sa quarterfinals sa Linggo ang isa buhat sa Grupo A na binubuo ng Vienna ng Austria, Warsaw Lotto ng Poland at ang mananaig sa qualifier sa pagitan ng Kai Tak ng Hong Kong at Wuhan at Qianqiao ng Tsina. Ang tatlong aakyat ng podium ay gagawaran ng tiket patungong Shanghai Masters sa Oktubre 14 at 15, 2023.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page