top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Babala sa ‘Pinas… republika ng Laos, naremata ng China dahil sa sangkatutak na utang!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 12, 2020
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | September 12, 2020



Naremata ng China ang Republika ng Laos dahil sa sangkatutak na utang.


Mag-ingat sa utang!


◘◘◘


Walang pahayag ang Malacañang kaugnay sa pautang ng mga ‘Bumbay’.


Bawal ba sila sa kalye o hindi?


◘◘◘


Ang mga ‘Bumbay’ ang nagpapasigla sa micro industry.


‘Yun nga lang, marami ang nagsitakbo ngayong pandemic!


◘◘◘


Bumabagsak at nagsasarado isa-isa ang mga dambuhalang negosyo.


Indikasyon ito ng pagdarahop sa Pasko!


◘◘◘


Kinansela na ang paggunita sa Undas.


Ang Pasko ay kakanselahin din kaya?


Nag-aantay ng sagot si Ninang at Ninong!


◘◘◘


Inililipat sa Maynila ang Boracay.


Isang himala!


◘◘◘


Natutuyot na ang Angat dam.


Krisis sa tubig ang papalit sa COVID-19!


◘◘◘


Kaliwa’t kanan ang tupada.


May proteksiyun ‘yan sa barangay officials at mga pulis!


◘◘◘


Matumal ang negosyo sa palengke, supermarket, mall, talipapa at convenience store.


Nasaan ang normal?


◘◘◘


Hanggang Enero ang pagdarahop.


Extended ito hanggang Mayo at Hunyo!


◘◘◘


Kani-kanyang diskarte ang mga padre-de-pamilya.


Lahat ay naghihigpit ng sinturon.


Si Tatay, pati sinturon ay naisanla na.


Nahuhubo na ang kanyang salawal dahil sa gutom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page