Babala sa mga residente.. Med cert na may invalid signature, kalat na – QC gov’t
ni Lolet Abania | July 19, 2022

Nagbabala ang lokal na gobyerno ng Quezon City sa mga residente hinggil sa lumalabas na medical certificates na may invalid signatures o mga pirma.
Nag-isyu ang Quezon City local government ng warning matapos ang mga natanggap nilang report na isa sa kanilang mga medical technologists, na nagngangalang Bernard Yumang, ay ginagamit bilang isang, “certifying physician for medical certificates.”
“Please be informed that medical technologists are not authorized to issue medical certificates. Thus, any medical certificate bearing Mr. Yumang’s name is therefore considered invalid and should not be honored,” batay sa QC government sa isang advisory na inilabas nitong Lunes ng gabi.
Ayon sa lokal na pamahalaan, lahat ng medical certificates na may logo ng Quezon City Health Department ay iniisyu lamang sa 66 health centers sa lungsod.
Hinimok din nila ang publiko na i-report ang mga indibidwal, na nag-iisyu ng mga invalid medical certificates sa Quezon City Health Department, sa cityhealth@quezoncity.gov.ph o tumawag sa Hotline 122.





Comments