Babala ng Pagasa… Abril mas magiging mainit
- BULGAR

- Mar 31, 2022
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | March 31, 2022

Nagbabala ang state weather bureau na mas magiging mainit ang panahon sa darating na Abril matapos nitong makapagtala ng highest heat index ngayong taon sa Dagupan City, Pangasinan noong nakaraang Linggo.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), umabot ang heat index sa Dagupan City’s sa 53 degrees Celsius noong March 17. Paliwanag ni Pagasa weather specialist Obet Badrina, ang temperatura na mas mataas sa 52 degrees Celsius ay pinangangambahang may dulot na “extreme danger”.
Sinabi rin ng Pagasa na ang heat index sa Dagupan City ay nasa 50 degrees Celsius bandang 2:00 p.m. noong March 30.
“Panahon po ito ngayon ng tag-init kaya atin pong binabalaan na mag-ingat lamang po, sapagkat magiging mainit ang panahon at inaasahan natin ngayong Abril lalo pang tataas ang ating temperatura,” ani Badrina.
“Kaya po uminom ng tubig at iwasang lumabas bandang tanghali hanggang hapon. Magsuot din ng komportableng damit,” dagdag niya.




Comments