top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Babala na pagtatangkaang saktan ng lihim na kaaway

Writer: BULGAR
BULGAR
May 11, 2021
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 11, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Geneva ng Kawit, Cavite.


Dear Maestra,

Isa akong tindera ng gulay at mga prutas dito sa palengke namin. Gusto kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng panaginip ko.

Napanaginipan ko na andami-dami kong tindang repolyo, pero walang bumibili kahit isa. Kaya ang ginawa ko ay umuwi na lang sa bahay at niluto ang repolyo para maging ulam namin. Tapos binuksan ko ang refrigerator at may nakita akong buttermilk. Dagli kong ininom ‘yun upang guminhawa ang aking pakiramdam. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Geneva


Sa iyo, Geneva,

Ang ibig sabihin ng panaginip mo ay mayroon kang lihim na kaaway at matagal na siyang naiinggit sa iyo. Gayundin, pagtatangkaan ka niyang saktan, kaya dapat mong talasan ang iyong pakiramdam upang hindi mangyari ang ipinahihiwatig ng panaginip mo.


Samantala, ang buttermilk na ininom mo ayon sa iyong panaginip, ito ay nagpapahiwatig na may makakasamaan ka ng loob d‘yan sa bahay n’yo. Isa sa mga miyembro ng pamilya mo ay hindi nasisiyahan sa pakikitungo mo sa kanya, kaya makabubuting maging mahinahon ka sa loob ng tahanan. Panatilihin mo ang pagiging bukas ang isip sa mga suliranin at lawakan ang pasensiya. ‘Yan ang dapat mong gawin upang hindi magkaroon ng pagtatalo at hindi pagkakaunawaan sa loob ng inyong tahanan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page