top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Babala na ipapahiya ng kaaway at paalala na mag-ingat sa pagkakatiwalaan

Writer: BULGAR
BULGAR
May 5, 2021
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 05, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jorge ng Batangas.


Dear Maestra,

Sumainyo nawa ang pagpapala ng Dakilang Lumikha. Nawa’y palagi kayong nasa mabuting kalagayan kasama ng inyong mga mahal sa buhay.

Gustung-gusto ko ang column n’yo sa BULGAR. Natutuwa akong basahin ito dahil nawawala ang pagod ko at naliliwanagan sa mga kahulugan ng panaginip. Madalas ay may kamukha ang panaginip ko. Gayunman, naisip kong magpaanalisa na rin sa inyo ng aking panaginip.

Napanaginipan ko na may uwak na umaaligid sa bubong namin, lalo na sa gabi. Hindi ako makatulog sa ingay na nalilikha ng mga pagdapo niya sa bubong kaya kinuha ko ang aking baril at pinaputukan ang nasabing uwak. Mula noon ay hindi na bumalik ang uwak sa bubong namin. Natahimik na rin ako at nakakatulog ng mahimbing sa gabi. Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Jorge


Sa iyo, Jorge,

Ang ibig sabihin ng uwak sa panaginip mo ay may lihim kang kaaway na inggit na inggit sa iyo. Galit na galit din ito at magtatangkang gawan ka ng hindi maganda. Halimbawa ay pagtatangkaan ka niyang awayin sa harap ng publiko. Subalit, maiiwasan mo siya at hindi siya magtatagumpay sa kanyang masamang binabalak.


Mabuti na lang at isinangguni mo sa akin ang iyong panaginip. Ibayong pag-iingat ang dapat mong gawin at huwag ka lubusang magtiwala sa mga kaibigan. Makabubuting sundin ang sariling ideya kaysa umasa sa iba.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page