top of page

Babaerong mister, makakatuluyan kung ka-compatible

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 20, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| April 20, 2021



Dear Maestro,

Ang problema ko ay ang pagiging babaero ng mister ko kung saan, tatlong beses ko na siyang nahuli na may kasamang babae. Pagkatapos ng dalawang beses ko siyang nahuli at nang komprontahin ko siya, umamin at nangako naman siyang hindi na uulit. Pero wala pang dalawang buwan ang lumilipas, nahuli ko na naman sila nu’ng babae niya at ngayon, balak ko na siyang hiwalayan.

Kung makikipaghiwalay ako, may ikalawang pag-aasawa pa bang mangyayari sa aking kapalaran? At sa ikalawang pag-aasawa, mas magiging maligaya na ba ako? April 29, 1987 ang birthday ko.


Umaasa,

Lavina ng Silangan, Rosario, Cavite

Dear Lavina,

Kung ang mister mo ay hindi naman isinilang sa zodiac sign na Virgo, Capricorn, Scorpio at hindi rin kapwa mo Taurus, tama ka na maaari nga kayong maghiwalay dahil hindi mo siya ka-tugma o ka-compatible.


Subalit kung Virgo, Capricorn, Scorpio at kapwa mo Taurus ang kanyang zodiac sign, kahit sabihin pang babaero siya, tiyak ang magaganap – hinding-hindi kayo magkakahiwalay kahit kailan.


Gayunman, kung sakaling mag-aasawa kang muli, isaalang-alang mo ang nasabing mga zodiac sign upang sa pag-aasawang papasukin, habambuhay ka nang lumigaya, higit lalo kung ang birth date ng lalaking mapapangasawa mo ay 5, 14, 23, 7, 16 at 25 dahil sa piling ng nasabing mga lalaki, tulad ng nasabi na, may pangako ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


Habang, ang iyong Love Calendar ang nagsasabing kahit na nambabae at paulit-ulit pang mambabae si mister, as long as tugma at compatible kayo sa Astrology at Numerology na pag-aanalisa at nagkataong iisa lang naman ang malinaw, makapal at magandang Marriage Line sa kaliwa at kanan mong palad na araw-araw nating tinatalakay sa ating mga artikulo tungkol sa guhit ng palad, sigurado na ang magaganap – mananatiling buo ang inyong pamilya kahit na paminsan-minsan ay gumagawa ng kalokohan si mister, hindi pa rin mahahadlangan ang nakatakda, kung saan habambuhay pa rin kayong magsasama.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page