Babaeng online seller, kulong sa P5M beauty products

by Jeff Tumbado @News | September 9, 2026

Photo: PNP
Arestado ang 37-anyos na babaeng online seller matapos masamsam ang tinatayang P5 milyong halaga ng beauty products sa isang joint law enforcement operation sa San Jose del Monte City, Bulacan nitong Lunes, September 7.
Isinagawa ang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group Bulacan Provincial Field Unit, katuwang ang San Jose del Monte City Police Station at isang kinatawan ng Food and Drug Administration.
Naaresto ang suspek na si “Hazel” matapos umanong pagbentahan ng beauty products ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska sa operasyon ang 78 kahon ng beauty creams, kabilang ang 40 kahon ng Day and Night Beauty Cream at 38 kahon ng Day Beauty Cream.
Bawat kahon ay naglalaman ng 144 piraso ng produkto, na may kabuuang tinatayang halaga na P5 milyon.
Ayon kay Chief PNP Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., bahagi ang operasyon ng patuloy na pagsisikap ng pulisya na sugpuin ang mga ilegal na aktibidad na maaaring maglagay sa panganib sa mga mamimili.





Comments