Babaeng ninakawan ang transient house na tinuluyan, tinutugis

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 7, 2023

Pinaghahanap ng mga pulisya ang isang babaeng na caught-on-cam sa CCTV na tinangay ang isang flat-screen TV sa tinutuluyang palipasan sa Sto. Tomas City, Batangas.
Nakita sa footage na sumakay ang babae dala-dala ang isang malaking bag na naglalaman ng TV at sumakay sa tricycle.
Napagalaman ng mga pulis na dati ng may kaso sa Quezon ang suspek sa kaparehas na modus.
Haharap sa kasong theft ang babae na nakitaan na ng existing warrant of arrest para sa ginawang pagnanakaw.





Comments