top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Babaeng naniningil ng pautang, ginulpi

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 6, 2024
1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 6, 2023




Nagresulta sa panggugulpi ang dapat sana'y mapayapang paniningil ng isang babae sa palengke sa Mangatarem ng kanyang pautang matapos na mamisikal ng suspek dahil hindi nito kayang magbayad.


Pagbabahagi ng 50-anyos na biktimang si Fleda Pagarigan, umaabot sa P400K ang utang ng nasabing babae at ng pamilya nito sa kanya sapagkat hindi ito nakakabayad dahil sa pagkalugi ng negosyo.


Nagkaroon umano ang dalawa ng kasunduang magbayad na lang ito ng P2K kada buwan ngunit ang suspek pa ang nagagalit kay Pagarigan na nauwi na sa pagtatalo.


Pinagtulungan ng suspek at ng ama nitong hinawakan at sinakal si Fleda na duguan na ng mga oras na iyon.


Agad na inaresto at sinampahan ng kaso ang suspek na siya namang tumangging magbigay ng pahayag.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page