ni Angela Fernando - Trainee @News | March 27, 2024
Isang babaeng Israeli na naging bihag ng Hamas sa Gaza ang nagsalita na patungkol sa pang-aabuso at iba pang karahasang dinanas niya sa loob ng 55 araw sa poder ng mga ito, ayon sa The New York Times.
Kinilala ang nasabing bihag na si Amit Soussana, isang lawyer na dinukot mula sa kanyang tahanan ng hindi bababa sa 10 kalalakihan.
Ayon kay Soussana, nakakatakot ang sunud-sunod na mga pangyayari sa kanyang buhay matapos siyang maging bihag ng Hamas.
Ibinahagi rin nito kung paano siya kinadena, kinulong, at inabuso sa ilalim ng banta ng baril.
Magugunitang nakalaya si Soussana mula sa pagkakabihag sa kanya nu'ng Nobyembre 2023 kapalit ng mga hostage na Palestines na hawak ng mga Israel.
Comments